Saturday , November 23 2024

‘Hunger Strike’ ng Bilibid guards protesta sa makupad na modernisasyon (Attention: Secretary Butch Abad)

KUNG Hindi tayo nagkakamali ay nasa ikalimang araw na ngayon ang hunger strike ng Bilibid (National Bilibid Prison) guards.

Ang hunger strike ay protesta umano bilang panawagan na ipatupad na ang modernization sa Bureau of Corrections (BuCor).

Aprubado na ni PNoy ang Republic Act 10575 (The Bureau of Corrections Act of 2013) na naglalayong i- upgrade ang prison facilities; i-professionalize at i-restructure ang bureau; at taasan ang suweldo at benepisyo ng mga personnel.

Pero tatlong taon na ang nakalilipas mula nang maaprubahan ang nasabing batas wala pa ring pagbabagong nagaganap sa Bilibid.

Maliban sa lalong lumakas ang poder ng mga ‘HARI’ sa Bilibid.

Ngayon lang sa panahon ni BuCor director Ricardo Rainier Cruz, natuklasan ng publiko na sandamakmak pala ang mga kubol-kubol at tila nagkaroon pa ng ari-arian sa loob ng Bilibid ang mga makukuwartang lider ng sindikato.

Ang ‘hunger strike’ ay pinangunahan nina Chito Patingo at Alvin Faeldo. Hiling ng hunger strikers sa kanilang banner: “Set us free from hunger and poverty: BuCor Modernization, ipatupad na.”

Ayon kay Monsignor Roberto Olaguer, mayroong 1,800 jail guards para sa 24,000 NBP inmates.

Ang isang junior guard ay sumasahod ng P10,000 kada buwan pero walang ano mang allowances simula noong 1971.

Sa ganitong kalagayan ng Bilibid guards hindi nakapagtatakang nararahuyo sila ng mga kung ano-anong ‘panunukso’ o panunuhol ng mga ilegalista sa loob.

Sabi nga, ang sindikato sa Bilibid ay mula sa sari-sari store hanggang sa malalaking sindikato na namamayagpag sa loob nang mahabang panahon.

Kung hindi magkakaroon ng ‘bayag’ ang gobyerno para itaas ang antas ng kalagayan ng Bilibid guards huwag na natin asahan na titino pa ang sistema sa loob kahit araw-araw pang magpa-raid si NBP Supt. Schwarzkopf.

Budget Secretary Florencio “Butch” Abad Sir, huwag na ninyong ‘tsaniin’ ‘yang budget ng NBP para sa modernization program.

Huwag na ninyong palalain pa ang sitwasyon diyan sa loob. Gumawa naman kayo ng hakbang para huwag malublob sa trabahong sindikato ang mga preso at jailguards sa NBP.

I-RELEASE mo na ang budget d’yan, Sec. Butch Abad!

Mas pinaboran ba ang mga CA kaysa organic employees sa Immigration?

HANGGANG ngayon daw ay todo-gapangan pa rin ang maraming mga gustong mag-apply na Confidential Agents (CA) diyan sa Bureau of Immigration(BI).

Ang ilan pa raw sa kanila ay mga dati ring tao ng sinibak na commissioner na si SigFraud ‘este’ Siegfred Mison.

Nitong mga nakaraang linggo lang ay marami na raw ang na-REHIRE sa kanila at ang iba ay talagang identified sa nakaraang administrasyon.

Well, diyan makikita na hindi talaga benggador ang mga kasalukuyang nakaupo ngayon sa BI.

Pero kahit paano, dapat din sigurong magkaroon ng masusing loyalty check sa mga nasabing personalidad dahil baka ang mga ‘bagong CA’ na ‘yan ang gumawa ulit ng alingasngas ‘pag tuluyan na ulit nakapuwesto sa Bureau?!

Tama ba ang obserbasyon na ‘yan, CA Magallon?!

Pero maraming nagtatanong na Immigration Officers, bakit daw mukhang nauna pang asikasuhin ang hiring o rehiring sa nasabing CAs, samantala maraming dating ORGANIC employees na sinuspendi, itinapon at sinibak si Miso ‘este Mison nang walang legal basis ang hindi pa rin pinababalik sa Bureau?

Ang ilan pa nga sa kanila ay ‘yung mga hayagang lumutang at nakipaglaban sa ‘oppression’ na ginawa ni Mison pero hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin sa kawalan.

Hindi ba mas nararapat na bigyan sila ng priority o kung hindi man ay pukulan ng atensiyon dahil sa mga naging sakripisyo nila sa dating administrasyon?

At sa ating pagkakaalam, bago lumisan si Justice Ben Caguioa sa DOJ, may instruction siya na ibalik agad ang mga nasabing empleyado kung wala naman silang kaso.

Anyare na, BI Comm. Ronaldo Geron?

Ang sa atin ay tanong lang naman ho!    

Dating tulak na nagbagong buhay na

SIR, isa po ako sa mga drug pusher sa Malis, Guiguinto, nagbagong buhay na po ako. Isa po ako dati sa kilalang tulak 16 yrs old plang lng po ko, sana po lahat ng mga adik s Malis magbago na. # +63997501 – – – –

Mga bodega target ng MPD “Delihensiya Unit”

KA JERRY, tama ka. Ang target lang ng delihensiya unit ay puros mga bodega. Raid kuno pero pitsaan diskarte nila. Malakas kasi hatag sa taas. +63916744 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *