“Ako yung lumabas bale na kontrabida rito. Salbahe in short po,” nakatawang saad ni Ms. Tessie. “Parang ibang Tessie Lagman ang makikita mo rito,” dagdag pa niya.
Pinuri niya ang bumubuo ng pelikulang Butanding. “Halos lahat sila nakaeksena ko lalo na yung lead role, si Lou Baron. Walang naging problema sa mga kasama ko, kasi lahat naman cooperative at walang paistaran.
“Si Direk Ed Palmos is a brilliant director. Tama ngang FAMAS awardee siya, kasi ang husay niyang mag-motivate ng mga artista niya. Kahit ako, hindi ko akalain na mayroon rin pala akong kakayahan sa pag-arte. Akala ko singer at announcer lang ang kaya ko,” wika pa ng beteranang radio personality at kasalukuyang host ng programang Sama-Sama Salo-Salo na napapakinggan sa DZRM 1278 AM every Saturday, 8 to 10 pm.
Paano niya ide-describe ang pelikulang Butanding?
“I can proudly say na ito ay pampamilyang pelikula. Ipapakita rito ang sakripisyo ng isang ina para sa pamilya at ang nagagawa ng kasakiman sa buhay ng tao.
“Maraming aral ang pinakita namin dito at isa na iyong pagmamahal sa mga yaman ng kalikasan, isa na yung Butanding.”
Ang Butanding ay may premiere night sa Fisher Mall sa February 12. Bukod kina Ms. Lou at Ms. Tessie, ito ay tinatampukan din nina Lara Quigaman, Rey ‘PJ’ Abellana, Ailxy Barbosa, Miles Jerome Manzano, Emma Cordero, John Norris, Nash Marcos at Denz Salcines.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio