Tama si Aling Grace
Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.
February 5, 2016
Opinion
TAMA ang rekomendasyon ni Senadora Grace Poe at ng pinamumunuan niyang “subcommittee on public services” sa senado na imbestigahan kung nagkasala ng graft si Department of Transportation and Communication Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya at ilan sa kanyang mga amuyong dahil sa kanilang kapalpakan na tugunan ang suliranin kaugnay sa pagpapatakbo ng Metro Rail Transit o MRT.
Ayon sa senadora may mga malakas na indikasyon nagkasala ng graft si Abaya at iba pang opisyal ng DOTC. Si Abaya ay apo ni Emilio Aguinaldo, na ayon sa tala ng kasaysayan ay siyang nagpapatay kay Andres Bonifacio, ang tunay na unang pangulo ng ating republika.
Ayon kay Aling Grace pinabayaan ni Abaya na lumalala ang problema ng Metro Rail Transit (MRT) 3 na siyang dahilan para maperhuwisyo ang milyon nating kababayan na araw-araw sumasakay dito. Dapat daw na agad imbestigahan ng Office of the Ombudsman, Department of Justice at Civil Service Commission si Abaya at mga kasama nito kaugnay ng graft.
“In the course of the inquiry with regard to malfunction problems of the MRT3, the Sub-Committee observed the badges of negligence and inaction of [DOTC] officials led by Secretary Joseph Emilio Abaya indicating insensitiveness, callous indifference and acts disadvantageous to the commuters, the Filipino public and the Government,” sabi ni Poe sa kanyang 45-pahinang ulat.
Nauna ng hiniling ni Aling Grace kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III na sibakin sa puwesto si Abaya dahil sa incompetence at shortsightedness pero hindi pinansin ng pangulo ang kanyang mungkahi.
Sa palagay ko kung marunong mahiya itong si Abaya ay nagbitiw na ito sa kanyang puwesto ng lumala ang problema sa MRT noong nakarang taon. Kaso parang hindi siya marunong mahiya kaya kapit pa rin sa puwesto. Alin kung Hapon ang nalagay sa isang sitwasyong ganito ay matagal ng nagbitiw na ito sa puwesto at maaring nagpakamatay pa dahil sa kahihiyan at pagkawala ng karangalan.
Gayon man hindi nagiisa si kalihim na ito ng DOTC. Maraming opisyal ng pamahalaan na katulad niya na ang isinasangkalan ay ang pagiging appointee ng pangulo. Sabi nila si BS Aquino lamang puwedeng sumibak sa kanila, ito ay sa kabila ng kanilang pagiging incomptent sa tungkulin. Haaay, ang mga tuko nga naman.
* * *
Mayroon umanong umaaligid na mamamatay pusa sa loob ng isang pangmayaman na subdivision sa Lungsod ng Makati. Para sa mas maraming detalye ay pasyalaln ninyo ang aking bagong website,www.beyonddeadlines.com
Ang website na ito ay maglalaman ng mga malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pa na mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sawww.beyonddeadlines.com Salamat po.
* * *
Kung ibig ninyo na maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala ng mensahe sahttps://www.facebook.com/privatehotspringresort? fref=ts para sa karagdagan na impormasyon o reserbasyon.