ISA sa mga araw na ito’y magugulantang na lang ang balana sa mga pasabog laban sa isang phenomenal female personality (PFP).
And the person who will drop the bomb—bukod sa nakatrabaho na niya sa TV at pelikula—ang siyempre pa’y nakaranas ng umano’y kagaspangan niya ng pag-uugali. Ayon daw kasi mismo sa kanya, may nakaiiritang attitude ang PFP, bagay na kinimkim lang niya habang ginagawa nila ang kanilang recent movie hanggang maipalabas ito.
Pero ngayong humupa na ang kontrobersiyang bumalot sa kanilang pelikula (may kinalaman ‘yon sa kinabog na gross receipts nito sa takilya), dumating na raw ang “tamang panahon” para ipaalam sa buong mundo ang totoong ugali ng PFP kapag wala sa harap ng kamera.
Da who ang PFP? Itago na lang natin siya sa alyas na Sharmaine Medusa.
( Ronnie Carrasco III )