WALA pang plano si Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin na isama sina Kobe Paras at Ray Parks sa national pool na naghahanda ngayon para sa FIBA Olympic qualifiers sa Hulyo.
Si Paras ay naglalaro ngayon sa UCLA sa US NCAA Division 1 samantalang si Parks ay lumalarga ngayon para sa Texas Legends ng NBA D League.
Ngunit hindi isinasantabi ni Baldwin ang posibilidad na puwede silang isama sa pool kapag may oras.
Samantala, naniniwala si Baldwin na malakas ang tsansa ng Gilas na makapasok sa Olympics kung makakasama nila sina Jordan Clarkson at naturalized player Andray Blatche.
“We have to see first of all what the eligibility is for Jordan, and I know he is working himself, with his people, and FIBA to try and achieve the eligibility to be able to play as a local Filipino player,” dagdag ni Baldwin. “With Andray, it’s just a matter of putting ink on paper now, and getting the right offer in front of him, and hopefully he’s not going to break the bank for us.”
Sa kaugnay na balita, kompiyansa si dating Gilas coach Rajko Toroman na kaya ng Gilas na maghari sa Olympic qualifying tournament na gagawin sa Mall of Asia Arena sa Pasay.
( James Ty III )