Pero bukod sa pelikula, ngayong February 15 ay may bagong TV series din na kabilang si Matteo, ang Dolce Amore na tinatampukan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Bukod pa ito sa part-2 ng mini-series nilang Single/Single ni Shaina Magdayao sa Cinema One.
Plus, ipino-promote rin ni Matteo ang kanyang self-titled album sa Star Music. Kaya talagang humahataw ngayon ang showbiz career ni Matteo.
Sinabi ng aktor/singer na bilib si-yang katrabaho si Liza.
“Liza is great. It’s my first time working with her and sabi ko batang-batang artista. But when I was working with her, she’s very nice, she’s very fun to be with. I thought she was going to be shy, but she’s very talkative, she has a lot of hidden talents in her. So, nakakatuwa kumbaga si Liza. It is so fun to be with her.”
Ipinahayag pa ni Matteo na sobrang saya niya sa kanyang TV series na ito dahil pangarap talaga niyang ma-kaganap ng isang karakter na Italyano.
“Astig, kumbaga the culture, the Italian culture parang nagpa-flashback lahat. Masarap ang pagkain, sobrang nag-enjoy ako roon at tsaka ‘yung language pa lang you know, kasi nagsasalita talaga ako ng Italiano sa bahay e. So, ginamit ko talaga sa teleserye.
“At iyong mannerisms ng mga Italyano, I had to look back on my grandpa, on my grandma, on how they were, how they acted, the nuances… So iyon, nagamit ko talaga. So astig! Sobrang excited ako!” Pahayag ni Matteo.
Pero hindi lang katuparan ng pangarap ni Matteo ang nangyayari sa kanya sa TV series nila nina Liza at Enrique, dahil ang indie movie niyang Tupang Ligaw ay isa rin sa mga dream niya na nagkaroon ng realisasyon.
“Pangarap ko talagang magkaroon ng action movie,” saad ni Matteo. Kaya naman daw talagang sagad ang preparasyon na ginawa niya para maging realistic ang mga eksenang nakikipagbarilan o suntukan siya.
Bukod kay Matteo, ang Tupang Ligaw ay tinatampukan nina Paolo Contis, Ara Mina, Rico Barrera, Suzette Ranillo, Johnny Regana, at iba pa. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Rod Santiago.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio