Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza, ‘di raw feel sumali ng beauty contest

020516 Liza Soberano

00 SHOWBIZ ms mMULING sasabak sa primetime ang isa sa pinakamaiinit na loveteams sa bansa, ang tambalang Liza Soberano at Enrique Gil mula sa matagumpay na Forevermore, narito muli sila para ipatikim ang tamis ng pag-ibig sa pinakabagong romantic drama series na Dolce Amore na mapapanood na sa simula Pebrero 5, sa ABS-CBN.

“It’s a project I think almost everyone will be able to relate to. It’s about finding your identity and finding love, and the story is just so fun and uplifting,” ani Liza sa presscon noong Miyerkoles ng gabi.

Gaganap si Liza bilang si Serena, isang dalagang lumaki sa Italy sa piling ng mag-asawang umampon sa kanya. Bagamat kinagisnan ang isang marangyang buhay, pilit niyang hahanapin ang isang nawawalang bahagi ng kanyang pagkatao, ang kanyang pinagmulan.

Hindi rito nalalayo ang kuwento ng buhay ni Tenten, na gagampanan naman ni Enrique. Isang rakiterong lumaki sa ampunan, gagawin ni Tenten ang lahat para sa pamilyang kumupkop sa kanya.

“It’s a ‘peasant meets a princess’ kind of feel. It’s a very light teleserye, like what we all love—parang sa ‘Forevermore,” sabi naman ni Enrique.

Ani Liza, mas magle-level up ang kilig sa kanilang tambalan sa Dolce Amore, at bilang mga aktor ay mas magiging bukas sila sa pag-eeksperimento sa kanilang mga karakter.

Kabilang din sa cast si Matteo Guidicelli, na gaganap bilang si Giancarlo, ang best friend ni Serena na may lihim na pagtingin sa kanya. Makakasama naman ni Liza sina Cherie Gil (Luciana) at Ruben Maria Soriquez (Roberto) bilang kanyang adoptive parents, habang bubuuin naman nina Edgar Mortiz (Dodoy), Rio Locsin (Paps), at Kean Cipriano (Binggoy) ang simple ngunit masayang adoptive family ni Enrique sa serye.

Kasama rin sa cast sina Sunshine Cruz, Andrew E, at Frenchie Dy.

Sa kabilang banda, natanong si Liza ukol sa tinuran noon ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzback na may potential na manalo ang batang aktres sa international beauty contest.

Bagamat ikinatuwa ni Liza ang pagkasabing iyon ni Pia, iginiit naman nitong wala siyang planong sumali sa beauty contest.

“Hindi naman, sabi niya puwede daw (laughs). To be honest wala po ako plans to join a beauty contest pero I’m not closing any doors. Pero I mean it’s an honor to be complimented by Miss Universe herself pero ako hindi ko po nakikita ang sarili ko sa ganoong path. Parang I’m contented na mag-artista, I like acting a lot,” paliwanag ni Liza.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …