Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Batang nabigyan ng artificial leg ni Korina, napaluha sa saya

020516 Korina John James

00 SHOWBIZ ms mHINDI mailarawan ang kasiyahan ng mag-inang John James Cabahug nang tuparin ni Korina Sanchez-Roxas ang pangarap na magkaroon ng artificial na paa at makalakad ng normal.

Bagamat hindi na inaasahan ni John James at ina nitong muling makakalakad ng normal dahil sa kahirapan, tila nabura ang agam-agam na ito nang makilala nila si Ate Koring. Nakilala nila si Ate Koring noong 2015 sa Jugan, Consolacion, Cebu noong ito ay anim na taong gulang pa lamang. Ipinanganak si John James na putol ang kaliwang binti na gumagamit lamang ng gawang saklay.

Naiyak si John James at ina nito nang tanungin siya ng misis ni Mar Roxas kung nais niyang magkaroon ng binti at paa kaya naman agad-agad nakipag-ugnayan si Koring at ang Rated K sa alkalde ng Cebu at mga doctor para mabigyan si John James ng artificial legs.

Matapos ang isang taon, muling bumalik sa Consolacion si Koring at binisita siya ni John James at ina nito habang nagsasalita si Korina sa isang grupo ng mga kababaihan. “Ang saya ng reuinion namin. Naglalakad na ngayon si John James ng may confidence,” kuwento ng beteranang broadcast journalist. “Tinanong ko pa siya kung nagbabasketbol na siya? Siyempre tumango siya at ngumiti. Tapos nag-iyakan silang mag-ina dahil sa tuwa.”

Ayon kay Koring napakalaking bagay para sa isang bata na makalakad sa sarili niyang paa. “Mababago ang kanilang buhay. Php25,000.00 ang halaga ng isang leg. Kung mayroong nais tumulong sa isang bata maaari kaming kontakin at kami na ang gagawa ng lahat at magbibigay kami ng kompletong report sa sino mang ibig tumulong dahil napakaraming batang naghihitay ng tulong.”

Sa mga gustong mag-donate ng artificial leg, tumawag lamang kina Jannice Fortes (09052750220) at Juliet Delos Santos (09178276247).

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …