Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Basketball exhibition ng showbiz personalities at PBA legends, sinuportahan ni Senatorial candidate Joel Villanueva

020516 basketball tesda

00 SHOWBIZ ms mNAKATUTUWANG panoorin ang pagpapasiklaban sa galing ng pagba-basketball ng All Star Team at Team Trabaho noong Miyerkoles ng hapon sa Ynares Center, Pasig City.

Sa exhibition basketball game na ginanap, binubuo ang All Star Team ng showbiz personalities na sina Zanjoe Marudo, Vhong Navarro, Rayver Cruz, Jayson Abalos, LA Tenorio, Japeth Aguilar, Eduardo Daquuioag, Jervy Cruz, Jericho Cruz, at Mayor Jun Ynarez. Ang Team Trabaho naman ay kinabibilangan ng PBA Legends na sina Jerry Codinera, Marlou Aquino, Kenneth Duremdes, Bal David, Rodney Santos, Bobby Jose, Alvin Patrimonio, Johnny Abarientos, at Noli Locsin.

Bago ang basketball game, humarap muna sa showbiz media ang lahat para magpasalamat kay Senatorial Candidate Joel Villanueva na siyang may idea na magkaroon ng basketball event. Pareho kasing malapit sa puso ng ating senatoriable ang mundo ng showbiz at basketball kaya’t hindi siya nahirapang mag-invite ng ilan sa kanyang mga kaibigan.

Ayon nga kay PBA legend Marlou, hindi niya makalilimutan ang tulong sa kanya noon ni Villanueva noong nagsisimula pa lang siya sa pagba-basketball.

“Malaki ang pasasalamat ko kay Joel dahil mabuti siyang kaibigan. Pinag-stay n’ya ako sa bahay nila noong mga panahon na starting pa lang ako at mahirap pa ang lahat. Doon mo mararamdaman ang pakikisama at pagkakaibigan naming.”

Sinabi naman ni Abalos na malaking inspirasyon sa kanya si Joel at sa mga natutulungan nito sa iba’t ibang paraan. “Mabuti siyang kaibigan iyung walang ingay at basta tutulungan ka sa kung ano ang solution sa problema ‘yun ang gagawin niyang tulong at hindi niya ipinagdaramot iyun kahit alam mo na busy din siya.”

Sa latest Pulse Asia Survey, nasa no. 14 ng mga tatakbong senator si Villanueva at malaking bagay ito sa kanya na lalo pang nagbigay inspirasyon.

Sa kabilang banda, game na game naman si Joel na sinagot ang tanong kung sinong showbiz personality ang kanyang hinahangaan sa ngayon. Aniya, si Julia Montes ang matagal na niyang hinahangaan na nakilala niya nang mag-aral ang batang aktres ng Culinary Arts sa TESDA.

Hanga raw si Joel kay Julia dahil bukas sa anuman na makakapagpalawak pa ng kaalaman.

Naging mainit ang sagupaan ng Team Trabaho at All Stars sa basketball game pero pumabor ang score sa team ng All Stars sa score na 116-105.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …