Friday , November 15 2024

Cancer patient tumalon sa 5/f ng ospital, patay

PATAY ang isang pasyenteng may prostate cancer sa East Avenue Medical Center sa Quezon City makaraang tumalon mula sa ikalimang palapag ng ospital kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station 10, kinilala ang biktimang si Joselito Amor, 48, family driver, residente ng 18 Katangian St., Batasan hills sa lungsod, idineklarang namatay dakong 3 p.m. habang nilalapatan ng lunas makaraang tumalon dakong 12:55 p.m.

Ayon kay PO2 Rexaldo Salvador, nagpatingin si Amor sa ospital (out patient) kaya nalaman niyang mayroon siyang prostate cancer.

Ngunit nang lumabas ang resulta ng pagsusuri ay nabatid niyang malala na ang kanyang sakit at ipinayo sa kanya ng doktor na sumailalim siya sa isang linggong regular medication.

Ayon sa kanyang misis, nang mabatid ng kanyang mister ang resulta ng medical examination ay naging balisa na ang biktima.

Habang naglalakad sila sa unang palapag para bumili ng gamot sa botika ng ospital, binilisan ng biktima ang paglalakad kaya naiwan ang kanyang misis.

Pagkaraan ay tumakbo paakyat ang biktima, nagbabay sa kanyang misis at nang makarating sa ikalimang palapag ng ospital ay tumalon.

Agad sumaklolo ang ilang tauhan ng ospital at dinala sa emergency room ang biktima ngunit hindi na naisalba ng mga doktor.

About Almar Danguilan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *