Friday , November 15 2024

Blue Meadows Low Cost Housing sa Caloocan City ‘tinatarahan’ Sa Building Permit? (Sa ilalim ng High Density Housing – Social Housing Finance Corp. (HDH-SHFC))

00 Bulabugin jerry yap jsyHINDI kukulangin sa 500 mga dating residente sa isang creek sa Caloocan City ang nagsikap makakuha ng lupa para pagtayuan ng low-cost housing project sa area din ng nasabing lungsod.

Dahil sa creek sila nakatira, tinawag ng mga residente ang sarili nila bilang Blue Meadows Homeowners Association at inirehistro bilang inkorporasyon alinsunod sa rekesitos na itinatakda para makapag-avail ng housing project ang nasabing mga residente.

Halos tatlong taon din pinagsikapan ng mga residente sa Blue Meadows sa pangunguna ng kanilang presidente na si Darling Arizala na lakarin ang mga kaukulang dokumento upang maipatayo na ang kanilang inaasam-asam na pabahay.

Hindi po ganoon kadali ang paglalakad ng mga requirements para sa isang housing project lalo na kung ito’y isasailalim sa high density housing.

Maraming pruweba ang hahanapin ng mga kinauukulang awtoridad para mapatunayang nararapat ang mga aplikante sa ganoong klase ng housing project. Hindi sapat na ebidensiya ang mga retrato na sila ay dating nakatira sa sapa o sa creek na sinasabi ng gobyerno na dangerous zone. Kailangan ng napakaraming dokumento para patunayan na sila ay residente sa nasabing lugar.

Saksi tayo sa mga pagsisikap at paghihirap na ‘yan ng mga taga-Blue Meadows dahil hindi minsang napakiusapan nila tayo para tulungan silang makiusap sa ilang opisyal at awtoridad.

Pagkatapos ng mga ganyang rekesitos, heto na, sa wakas maitatayo na ang building para sa housing project.

Aba nang lakarin sa City Engineer’s Office para sa building permit, mantakin ninyong hinihingan ang Blue Meadows Homeowners Association ng P2,363,535.20 para payagan silang maitayo ang nasabing proyekto?!

Bukod sa mahigit P2 milyong piso na ‘yan ‘yung hinihinging SOP na mahigit sa kalahating milyon.

Mantakin ninyo, LOW COST HOUSING, hinihingian ng SOP?!

Sonabagan!

Wala nang MALAPITAN ‘yung Blue Meadows homeowners, dahil lahat nang puntahan nila ang tingin sa kanila ay kuwarta!

Sumulat na sa Malacañang ang nasabing homeowners association at umaasa sila na hindi ito mahaharang ng isang Liberal Party official na kilalang kadikit at kasangga ng kasalukuyang administrasyon sa Caloocan City.

Sa ngayon, mapait at masaklap man ang katotohanan, tanggap na ng mga taga-Blue Meadows na sa kanilang kalagayan, wala silang MALAPITAN at lalong walang maaasahan para tuluyang maisakatuparan ang pangarap nilang pabahay.

Anyare?!

300 pulis-MPD na ‘nakalubog’ pinalulutang ni Chief PNP!

Pinalulutang na ni PNP Chief D/G Ricardo Marquez ang may 300 pulis na nakalubog sa isang unit ng Manila Police District (MPD) dahil wala siyang nakitang pulis sa kalsada.

Nagsagawa kamakailan ng sopresang paglilibot si Gen. Ricardo Marquez dahil sa sunod-sunod na pamamaslang sa mga babae sa lungsod ng Maynila.

Ano ang sinasabi ni Aling Ligaya na maayos ang peace & order sa Maynila!?

Sa isinagawang surprise inspection ni Gen. Marquez ay nabuking na 80 pulis lang ang nasa tanggapan ng District Public Safety Battalion (MPD-DPSB) ang naka-duty araw-raw sa kalsada ng Maynila .

Nagsiksikan lang umano ang mga nakalubog na pulis sa  MPD-CDDS.

Kulang na kulang ang mga tao sa tanggapan ng MPD Theft & Robbery Section na limang pulis lamang kasama na ang hepe ang makikita sa araw-araw. Walong pulis sa tanggapan ng General Assignment Section (GAS), 10 pulis sa tanggapan ng Homicide Section at walong pulis naman sa tanggapan ng ANCAR Section.

Kaya naman pala mabagal maresolba ang mga kaso sa nasabing mga tanggapan dahil kulang na kulang sila sa puwersa ng pulisya?!

What the fact, MPD director Gen. Rolly Nana!?

Kaya agad ipinag-utos ng chief PNP na kailangan palutangin ang mga mga nakalubog na pulis (ghost cops) at kapag nabigo sina S/Supt. Marcelino Pedrozo at Supt. Balolong, may paglalagyan sila!

‘Yan ang binitiwang utos ni Gen. Ricardo Marquez!

Katiwalian sa loob ng Parañaque City Jail (ATTN: BJMP OIC C/Supt. Deogracias Tapayan)

MAHIGPIT umano ang direktiba ng pamunuan ng Bureau of Jail and Management (BJMP) sa pagbabawal nang pagdadala ng sigarilyo sa kanilang mga dinadalaw na preso sa loob ng Parañaque City Jail.

Pero isang ka-bulabog natin ang nagpadala ng info sa katiwalian na pinaggagawa ng isang Parañaque BJMP personnel na alias  “NGAYOGAN” ang umano’y nagsusuplay ng kaha-kahang sigarilyo sa loob ng selda 402.

Isang mayor naman na kinilalang alias Gerald, dating miyembro ng PNP SWAT team ng Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig na may kasong murder ay nagbebenta rin umano sa loob ng nabanggit na selda.

VIP treatment pa umano si Gerald dahil halos isang taon pa lang nakakulong sa kasong MURDER ay itinalaga ng Mayores sa selda 402 sa ika-apat na palapag ng gusali ng BJMP ng Parañaque City Jail.

FYI BJMP OIC C/Supt. DEOGRACIAS TAPAYAN, ang bentahan daw ng bawat stick ng sigarilyo ay P20 pesos at kapag utang ay P25 pesos. Siyempre, hindi rin daw mawawala ang bentahan ng ilegal na droga.

Isang babaeng (courier), ang dumadalaw umano sa isang preso na taga-Baclaran na may kasong droga, ang siya naman nagtutulak sa loob.

Ang selda niya ay sinabing nasa 404 kaya malayang nakasisinghot ng shabu ang mga preso sa naturang selda partikular ang mga may kakayahang bumili.

Parañaque City jail warden Supt. BANTAG, anong masasabi n’yo sa sumbong na ito na nangyayari sa loob ng inyong piitan?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *