Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 bangkay nahukay sa bahay ng tulak

DALAWANG bangkay ng lalaki na napaulat na nawawala noong nakaraang buwan, ang nahukay sa ground floor ng isang bahay na pag-aari ng isang sinasabing sangkot sa ilegal na droga sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Halos naaagnas na ang katawan ng mga biktimang sina Reynaldo Velasco, 62, ng Blk. 10, Lot 7, Section 8, Phase 1, Muzon, Pabahay 2000, San Jose Del Monte, Bulacan at isang Reginald, nahukay sa ilalim ng bahay na pag-aari ni Khalid Moda sa Phase 12, Brgy. 188, Tala ng nasabing lungsod dakong 10 a.m.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, si Moda ay sangkot sa pagpapakalat ng ilegal sa droga sa nasabing lugar at nahulihan ng shabu noong Oktubre 12, 2015 ngunit nakalabas mula sa Caloocan City Jail noong Nobyembre 16 makaraang magpiyansa.

Ayon kay Caloocan City police chief S/Supt. Bartolome Bustamante, si Velasco ay unang napaulat na nawawala makaraang i-report sa pulisya ng kanyang anak na babae na si Rachel nitong Enero 28, makaraang isama ni Reginald at iangkas sa motorsiklo saka nagpunta sa hindi pa matukoy na lugar sa Bulacan.

Mula noon ay hindi na nakita ang dalawa hanggang makatanggap ng impormasyon ang pulisya na may nakitang mga bangkay sa loob ng compound ni Moda.

Hinala ng pulisya, posibleng may kinalaman sa illegal na droga ang pagpatay sa mga biktima dahil sinabi ng anak ni Velasco sa mga awtoridad na gumagamit ng droga ang kanyang ama.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng responsable sa insidente at hinahanap si Moda.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …