Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

UAAP Volleyball sa Ultra ngayon

010616 uaap volleyball
APAT pang mga pamantasan ang sasabak ngayon sa ikalawang araw ng aksyon sa UAAP Season 78 women’s volleyball sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Unang maghaharap ang University of Santo Tomas at Adamson sa alas-dos ng hapon.

Sina EJ Laure at Carmela Tunay ang sasandalan ng Tigresses sa ilalim ng bago nilang head coach na si Kungfu Reyes.

Ngunit hindi makapaglalaro si Pam Lastimosa para sa UST ngayong taong ito dahil sa pilay sa kanyang tuhod.

Ang Lady Falcons naman ay pangungunahan ni Mylene Paat samantalang isa sa mga assistant coaches nila ay ang dating superstar ng La Salle na si Michelle Gumabao.

Sa ikalawang laro sa alas-4 ng hapon ay magbabanggaan ang Lady Spikers at Far Eastern University Lady Tamaraws.

Noong Linggo ay tinalo ng Ateneo at University of the Philippines ang National University at University of the East, ayon sa pagkakasunod, sa Filoil Flying V Arena sa San Juan.

Mapapanood ang mga laro ng UAAP volleyball nang live sa ABS-CBN Sports+Action Channel 23.

( James Ty III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …