Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mariel, pinagselosan ang ‘pinaglawayang’ pole dancer ni Robin

020316 Mariel Robin Celine

00 fact sheet reggeeTRENDING ang tweet ni Mariel Rodriguez-Padilla noong Linggo habang pinanonood ng asawa niyang si Robin Padilla ang pole dancer na si Celine Venayo, isa sa contestant ng Pilipinas Got Talent Season 5.

Titig na titig kasi si Robin sa pole dancer habang nagpe-perform kaya panay ang focus sa kanya ng TV camera na napapanood naman ni Mariel sa bahay nila kasama ang lolo’t lola habang kumakain ng hapunan.

Ayon sa tweet ni Mariel, ”naku, masusubok na naman ang asawa ko he he he he, pole dancing pala!!! #PGTHanepSaGaling” na sinundan pa ng magkasunod na tweet, “mag enroll ako ng pole dancing bukas promise! #PGT5HanepSa Galing,”

“don’t worry guys, okay pa ang TV namin dito sa bahay. Ha, ha, ha cute #PrayForMarielsTV ha, ha #PGT5HanepSa Galing.”

Kaya tinanong namin si Mariel kahapon tungkol sa tweet niya kung seryoso siyang may tonong nagseselos, ”ha, ha, joke time lang ‘yun! Hindi ako nagseselos, natutuwa nga ako sa ‘PGT (Pilipinas Got Talent 5)’, eh. That’s just for fun.”

“Masyado ng malalim ang marriage namin ni Robin para magselos sa mga bagay na ganoon. Mabait at mabuting asawa si Robin.”

Alam naming nagbibiro si Mariel dahil kung talagang seryoso siya ay hindi siya magpo-post dahil tahimik siya kapag galit. Tinanong pa rin namin kung mag-e-enrol nga siya sa pole dancing.

“Hindi pa naman, nag-a-adjust pa ako sa schedule ng ‘It’s Showtime’, roon ako naka-focus (kaya) wala munang extra-curricular activities like learning pole dancing.

“But before when we were still living in Fairview, I was really interested, we even had a pole installed in our gym, but I couldn’t find a teacher that would teach me at home,” pahayag ng magandang misis ni Robin.

Ano naman ang masasabi niya sa reaksiyon ni Robin sa pole dancer na sobrang nabighani siya nang husto. ”Cute (ang) reaction ni Robin, nakakatawa,” sabi ni Mariel.

Samantala, kahit bumalik na sa hosting job niya si Mariel ay hindi pa rin siya nawawalan ng oras ipagluto ng paborito niyang pagkain si Robin. Tulad ng post niyang, ”kitchen smells good this will be waiting for you when you come home robinhoodpadilla (litrato ng giniling na baka para sa lasagna).”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …