Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ina Feleo, enjoy makatrabaho si Direk Laurice Guillen

020316 Ina Feleo Laurice Guillen

00 Alam mo na NonieAMINADO si Ina Feleo na masaya siya kapag nakakatrabaho ang award winning director na si Ms. Laurice Guillen. Bukod sa mother niya sa Direk Laurice, sinabi ni Ina na madali raw silang magkaintindihan ng kanyang ina.

“Nagkatrabaho na kami in our indie film before and then sometimes nadi-direct din niya ako sa Magpakailanman.

“I honestly love working with her as my director. Gustong-gusto ko siya magbigay ng mga obligation ko sa eksena, kasi sobra niyang natutumbok agad ito with little words. Nagkakaintindihan kami and she gives so much freedom as an actress on how I want to interpret a certain scene,” saad ni Ina ukol kay Direk Laurice.

Dahil mother niya si Direk Laurice, hindi kaya siya intrigahin ng favoritism or kung anumang isyu?

“Baka intrigahin, pero hindi naman ako apektado. Kasi alam ko naman na pinaghirapan ko na maka-land ng ganitong role. She always wants to get me as her actress but she never imposes, kaya ang dami na niyang shows and movies na ‘di naman din ako kasama.

“And also, I make sure that I do my best and hindi ako maging sakit ng ulo sa kanya or kahit kanino sa production,” paliwanag pa ng aktres

Gumaganap si Ina ng mahalagang papel sa bagong TV series na Hanggang Makita Kang Muli ng GMA-7. Kasama ni Direk Laurice rito si Direk Rommel Penesa (2nd unit) at bukod kay Ina, ang cast ay binubuo nina Angelika dela Cruz, Raymart Santiago, Bea Binene, Derrick Monasterio, Rita Avila, Shyr Valdez, Kim Rodriquez, Luz Valdez, at iba pa.

“Ang role ko po rito ay si Odessa. At the start of the series, makikilalala siya bilang isang sobrang depressed na babae na nagtatangkang magpakamatay. Pero by coincidence ay mapipigilan siya ni Larry (Raymart). She is obsessive and also has anti-social personality disorder.”

May kaibahan ba itong bagong soap mo sa mga previous na nagawa mo?

“Yes, definitely may kaibahan siya sa ibang role na nagawa ko before. I am so excited to work on this role. I have been reading up on the anti-social personality disorder para rin may idea ako kung ano talaga ang tumatakbo sa isip ng mga ganitong tao.

“Ngayon lang din ako magkokontrabida sa GMA and I’m very grateful for the trust they gave me. So, I feel like I have to do something that I haven’t done before. Kumbaga, kailangan ma-surprise ko rin ang sarili ko.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …