
NAKATUTUWANG mapanood na magsasama-sama ang walong OPM hitmakers sa isang konsiyerto, ito ay sa pamamagitan ng #LoveThrowbacksa February 13, 8:30 p.m. PICC Plenary Hall. Tampok sa #LoveThrowback si na Rico Puno, Marco Sison, Raymond Lauchengco, Gino Padilla, Chad Borja, Wency Cornejo, Roselle Nava, at Nina.
Hindi lang magbabalik-tanaw sa mga magagandang musika noong dekada ’80-’90 ang mangyayari sa concert kundi ire-recall din ang every significant moment ng inyong lovelife. Siyempre may mga awiting tiyak na makare-relate ang sinuman sa mga kantang iparirinig nila.
Nariyan ang mga awiting pinasikat ni Rico, ang Buhat, My Love Will Se You Through ni Marco, So It’s You ni Raymond, Closer You & I ni Gino,Ikaw Lang ni Chad, Hanggang ni Wency, Bakit Nga Ba Mahal Kita ni Roselle, at Someday ni Nina. Ilan lamang ito sa mga best OPM hits na nag-define ng Philippine music scene sa loob ng ilang dekada.
Ayon sa producer ng #LoveThrowback, hindi lamang nila ginagarantiyahan ang unforgettable at kakaibang Valentine’s Day celebration na mararanasan ng manonood kundi isa rin iyong show na aakma sa universal feeling na love.
Ang #LoveThrowback ay handog ng MKFAE Productions at Royale Chimes & Events Inc., sa pakikipagtulungan ng Echo Jham Productions.Ito’y ididirehe ni Calvin Neria katulong si Marc Lopez bilang musical director. Ang ticket ay mabibili sa SM ticketnets (4722222), Ticketnet (9155555), at Ticketworld (8919999).
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com