INSPIRE pa more! Muling napanood sa MMK (Maalaala Mo Kaya) noong Sabado (January 30) ang kuwento ng pagsisikap ng isang batang kalye na nakapagtapos ng pag-aaral na ginampanan ng award-winning child actor na si Zaijian Jaranilla.
Matapos nilang maglayas ng kanyang kapatid, namulat si Rustie (Zaijian) sa iba’t ibang klase ng bisyo at kasamaan nang napasama siya sa mga batang kalye na nagnanakaw at gumagamit ng droga. Ngunit unti-unting nagbago ang buhay ni Rustie nang nakilala niya ang isang street artist na nagbigay sa kanya ng inspirasyon at pag-asa na tuparin ang kanyang pangarap na makapag-aral sa isang prestihiyosong unibersidad.
Ang episode ng MMK ay pinagbidahan din nina Andrea del Rosario, Cris Villanueva, Kean Cipriano, JM Ibañez, Jeric Raval, Lance Lucido, Kokoy Desantos, Kyle Banzon, Tanya Gomez, Encar Benedicto, Junjun Quintana, Gerald Pesigan, John Vincent Servilla, Carlo Lacana, Winryll Banaag, at Tony Manalo. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Garry Fernando at panulat ni Ruel Montañez. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.
#MMKDreamandBelieve. Para sa higit pang inspirasyon lalo na sa kabataan.
HARDTALK – Pilar Mateo