Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maye, napaganda ang buhay nang mawala sa showbiz

020116 Maye tongco
NAG-INVITE ng dinner sa amin nina Roldan Castro at John Fontanilla ang former sexy star na si Maye Tongco sa Fridays MOA noong isang gabi.

Kasama ni Maye ang kanyang husband (kasal sila) na si Dax Ypon at  anak na si Derrel.

Masuwerte si Maye for having Dax, well-provider ito at talagang mahal na mahal siya.

May magandang work si Dax sa US, nasa Logistics siya at every six months itong umuuwi ng ‘Pinas.

Kasama rin sa dinner ang dating producer ni Maye na si Mila Pascual, may-ari ng El Nino Films. Kasama ni Ateng Mila ang mga anak niyang sina Shanghai atShangten.

During the Sinulog Festival two weeks ago, nasa Cebu kami (Roldan at John) at in-invite rin kami ni Maye sa kanilang bonggang bahay sa

Bayswater sa Lapu-lapu City. Inilibre niya kami sa napakabonggang

Lantaw Restaurant (seaside resto) sa Cordova, Cebu na tanaw na tanaw mo ang buong Cebu.

Nagyaya pa siya ng spa afterwards.

Nasa Manila sina Dax at Maye dahil sinundo nila ang pamangkin ni Dax na si Alexna napakaganda at mahusay na singer.

Nag-stay sila sa City of Dreams na ubod ng mahal pala. By now ay nakauwi na siguro ng Cebu ang buong pamilya.

Isa si Maye sa mga ex sexy star na maganda ang buhay pagkatapos mawala sa limelight.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …