Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kaguwapuhan ni Ejay, ‘di pumasa kay Ellen

020116 Ellen Adarna Ejay Falcon
BUST ba o busted?

Mabilis pa sa alas kuwatro ang sagot ni Ellen Adarna sa tanong kung nanligaw sa kanya si Ejay Falcon. “Oo!” agad ang namutawi sa bibig nito.

At sa mas mahaba pang kwentuhan sa hottest finale presscon ng kanilang Pasion de Amor, na maghahatid ng mas matindi pang pasabog in the remaining weeks sa ere. Inamin ni Ellen na there was a time na talagang very immature ang naging tingin niya kay Ejay.

Pero nagkalapit sila sa nasabing teleserye na nakasaksi rin sa matindi nilang away na ilang panahon din silang hiindi nagkibuan.

“But we are very much okay now. Kasi nagkakaintindihan na. But no! Hindi naman naging kami. Yes, nanligaw siya!”

Pero hindi niya sinagot. Short of saying na busted ito?

“I don’t wanna call it naman that. But oo. Sort of. But the good thing nga now eh, we’re okay. And who knows? I am not closing naman my doors. Pero ako lang sa ngayon, talagang ayaw ko pa uli pumasok in a commitment. Okay tayo ng ganito. Then ganito.”

Isa sa inaabangan kasing pares sa tumataas sa ratings na Pasion de Amor bukod kina Colleen Garcia at Joseph Marco at Arci Muñoz and Jake Cuenca ay ‘yung sa kanila. Dahil sa intense lovescenes at mga titillating scenes nila na kahit na balot na balot sila eh, naaapektuhan ang mga mature audiences.

“There is sexual tension in some scenes. Pero kami ni Ejay parang when the scene presents itself, sasakay na lang kami sa karakter natin. And ‘yun na! Kaya Hindi kami nahihirapan. Medyo nag-adjust lang noong una siyempre pero noong naging comfortable naman na tuloy tuloy na.”

Natuloy din ba off cam?

“Ha-ha! Wala namang ganoon. Natuloy being friends. Parang barkada na nga. But the scenes we did remained on the set.”

Si Ellen talaga ang pinaka-aliw sa mga girl sa kanyang pagiging liberated in speaking her mind.

Kaya naman daw walang kahirap hirap ang mga director nila like Erik Quizon and Don Cuaresma.

At ang isang malaki ang pasasalamat sa bonggang karakter niyang si Gabriel sa teleserye na matutunghayan tuwing 6:30 p.m. ay ang nangapitbahay na si Wendell Ramos.

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …