Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Everything About Her, mapapanood worldwide via TFC@theMovies

012216 xian vilma joyce angel

00 Alam mo na NonieMAPAPANOOD na sa U.S., Canada, Middle East, Europe, Asia, Australia, at New Zealand ang pinakaaabangang pelikula ng Star for All Seasons na si Gov. Vilma Santos at ng award-winning box office royalty na si Angel Locsin na Everything About Her mula sa Star Ci-nema at TFC@theMovies.

Kasama rin sa pelikula si Xian Lim sa kanyang kauna-unahang dramatic role sa labas ng blockbuster love team na KimXi kasama si Kim Chiu. Mahusay ang pagganap ni Xian bilang si Albert at nakipagsabayan siya sa dalawang mahuhusay na aktres.

Markado bilang grade A ng Cinema Evaluation Board, ang pelikula ay ukol sa dalawang babaeng magkaiba ang pananaw at pag-uugali. Si Gov. Vi ay si Vivian, isang powerful woman na nagkaroon ng cancer. Si Angel naman si Jaica, isang nurse na inatasang mag-alaga kay Vivian at ikubli ang kanyang sakit.

Magkahalong tuwa at lungkot ang hatid ng pelikula lalo na nang hilingin ni Vivian na iuwi ang anak na si Albert (Xian Lim), sa pagnanais na mabuo muli ang kanilang estranged relationship.

Tapos na itong ipalabas sa US noong January 29 at January 31 sa France, Italy, Malta, at Greece; ang Everything About Her ay mapapanood sa February 4 sa United Arab Emirates, Qatar, Bahrain, Oman at Kuwait; February 5 sa Canada; February 6 sa Austria, at United Kingdom; February 7 sa Spain; February 11 sa Australia at New Zealand; February 12 sa Saipan at February 21 sa Singapore.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …