“Pasabog! Pasabog sa katatawanan. Kasi, bukod sa nakatatawa ito, ang gagaling ng mga kasama ko rito, pati sa kantahan,” saad sa amin ni Ate Gay.
Sinabi rin niyang kakaiba talaga ito kaya hindi dapat palagpasin. “Hindi. Hindi ito parang comedy bar na inilagay sa Araneta. Hindi ganoon. Hindi ganoon ang orientation ni Mamu (Andrew de Real na siyang writer at direktor ng concert), hindi.
“‘Tsaka rito kasi, kami mismo ang maglalaitan. Hindi kami gagamit ng ibang tao para magpatawa.”
Nang kulitin naman siya ng press dahil mas nauna sa billing sina Gladys at Boobsie, sinabi ni Ate Gay na walang kaso ito sa kanya, “Sabi ko nga, hindi ako ano sa billing. Maganda naman ‘yung pagkakalagay sa billing and sa show naman, equal participation naman kami.”
Tumanggi naman siyang sagutin kung totoong mas mataas ang kanyang talent fee sa tatlong kasama.
“Hindi ko alam, hindi ako nagtatanong, sa manager ko na lang iyon. Kung sinong pinakamataas diyan sa tarpaulin, iyon ang mas mataas ang talent fee,” nakatawang saad pa niya.
Sa dinami-dami nang nag-i-impersonate kay Nora, ano kaya ang sikreto mo?
“Ang secret kasi hindi ako nag-i-stay sa pagiging Nora Aunor. May iba akong way para maiba naman as Ate Gay. Like iyong mga mash-up at iba pang mga jokes.
“Kasi bilang isang comedian, sabi ko nga, dapat kung ano ang gusto ng manonood ay pagyamanin mo. ‘Tsaka ayaw kong mawala sa entablado kaya nag-aaral ako ng mga bago talaga. Never ko namang inokray si Nora, kaya love na love ako ng mga Noranian at lahat ng presidente ng fans club niya. Kaya rin siguro ako tumagal dito.”
Ang Panahon ng may tama: ComiKilig ay prodyus ng CCA Entertainment Productions Corporation at hatid ng Motortrade, Cherry Mobile, Hapee toothpaste, Mister Donut, Belo Essentials, Aficionado, Bactidol, Enervon, Emperador Light, San Mig Light, Shield Soap, Krem-top, Sogo Hotel, Gerrys Grill, PCSO, Richville Hotel, Padis Point, Love Radio at GMA 7.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio