MARAMI ang nanghihinayang nang malaman nilang hiwalay na sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban. Noong una kasi, parang match made in heaven sila, parehong bubbly ang kanilang character, they have something in common pero nauwi rin lahat sa hiwalayan.
Naku, mukhang malas sa lovelife tong si Angelica. Marami na rin siyang nakarelasyon at ang pakikipagrelasyon niya kay John Lloyd ang inaasahan na magpo-prosper.
Tsk…tsk….tsk.
Well, ganoon talaga ang buhay. May mga nagsasabi na ngayong single na uli si Angelica, baka may posibilidad na magkabalikan sila ng ex niyang si Derek Ramsay dahil bagay na bagay talaga sila at maganda naman ang kanilang pinagsamahan noon.
Naku, huwag nating pangunahan ang dalawa.
Pero ‘di ba, marami namang mga artista na pagkatapos nilang maghiwalay ay muli silang nagkabalikan?
At kapag nagkabalikan, ‘yun na ‘yon. Kasalan na ang kasunod, hehehehe.
May edad na rin si Derek at sakaling sawa na siya sa pagiging binata (although may mga anak na siya) ito na siguro ang tamang panahon.
Ganoon din si Angelica. Na-enjoy na niya ng bonggang-bongga ang pagka-dalaga.
‘Yung kanyang k-kontemporaryo ngang si Camille Prats, matagal nang nag-asawa, na-byuda na nga eh.
Let’s wait and see na lang.
MAKATAS – Timmy Basil