Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Akihiro, nakapagpundar na agad ng kotse, condo, at negosyo

020116 Akihiro Blanco
HINDI ikinahihiya ni Akihiro Blanco na hindi siya nagtapos ng hay-iskul, pero sa susunod na taon ay ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa OB Montessori.

“’Yun kasi ‘yong time na sumali na ako sa ‘Artista Academy’ (2013),” depensa ng half-Pinoy, half-Japanese actor whose showbiz entry ay nang sumali at maging runner-up sa naturang artista search sa TV5.

Sa presscon kamakailan para sa Wattpad Presents TV Movie, Aki was introduced by Tita Aster Amoyo as “ang Hapon who doesn’t speak Japanese.”  Born to a Japanese businessman-father na may negosyong resto noon sa Osaka at Makati, sa bansa lumaki si Aki.

Katuwang niya ang kanyang ina in tending their acoustic bar in Pasig, na roon siya nadiskubre at hinimok pumasok sa showbiz by his mom’s friend. Walang choice si Aki na manatili rito dahil ang kanyang ate ay nasa Singapore at nagtatrabaho bilang titser.

So far, after joining Artista  Academy ay marami-rami na rin ang kanyang naging breaks, tatlo rito ay puro indie films. “Bale ‘yung third indie film na ‘Footprints on the Moon’, hindi pa tapos dahil may mga eksena pang kukunan sa Qatar.”

Hindi rin naging maramot ang offers kay Aki to do shows, tulad ng buena mano ng lingguhan (every Saturday, 9 to 10:30 pm) nang Wattpad Presents na nasa ikaanim na season na he stars in Ava! Maldita kasama sina Ella Cruz at Donnalyn Bartolome.

Tinanong namin ang 20-anyos na aktor kung sa loob ba ng halos tatlong taong pamamalagi niya sa showbiz ay ano-ano na ba ang kanyang naipundar?  Dahil negosyante ang pareho niyang magulang, we assume na marunong din siyang humawak ng pera.

“So far po, ‘yung brand-new Vios ko, ‘yung tinitirhan kong condo unit sa Pasig at ‘yun pong itinutulong kong puhunan sa acoustic bar namin,” pagmamalaki ng binata.

HOT,AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …