Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinaganda at pinalaking Wattpad Presents at MTV Top 20 Pilipinas, mapapanood na sa TV5

013116 wattpad mtv

00 SHOWBIZ ms mMARAMI nang pinasaya at pinakilig sa limang unang season ang Wattpad Presents sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga masasayang kuwento ng pag-ibig na tinatampukan ng iba’t ibang bituin.

Ngayong 2016, inihahandog ang Wattpad Presents mula sa Viva Communications Inc. at TV5 sa bagong season na matutunghayan simula Sabado, Pebrero 6, 9:00-10:30 p.m..

Unang matutunghayan sa Wattpad Presents ang Avah Maldita ni Simple Chummy na pagbibidahan ni Ella Cruz. Makakasama niya rito si Akihiro Blanco. Ito’y isinulat ni Koko Joven.

Isusunod naman agad dito ang Mysterious Guy at the Coffee Shop ni JC Quin. Bida rito sina Yassi Pressman at Vin Abrenica. Mapapanood ito sa Pebrero 13 na isinulat ni Butch Concepcion.

Exciting naman ang kasunod na tampok na istorya sa Wattpad, ito ang My Soul is from Another Planet ni Amor Filia na pagbibidahan ni Bianca King.

Aliw din ang kuwento ng My Casanova Husband na tampok naman si Meg Imperial.

Kaabang-abang din ang mga susunod na episodes ng Wattpad Presents: MarsValena’s Mr Cold Heart Breaker; Yilin04 (Bookware)’s Weight for Love; Jhing Bautista’s The Filthy, Rich Bitch; at Vampiremims (LIB)’s Cupid’s Bedmate.

Bukod sa Wattpad Presents, handog din ng Viva ang MTV Top 20 Pilipinas na mapapanood tuwing Sabado ng gabi. Ito ay 2-hour weekly program na nagtatampok sa pinakamaiinit at pinaka-hit na Top 20 OPM songs sa bansa base sa requests ng mga tagapakinig at radio airplay.

Ito ay iho-host ni VJ Aryanna.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …