Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vin, lilipat na rin daw sa Kapamilya

012916 Vin Abrenica
THE mysterious vin?

Sa mga susunod na Sabado simula 9:00-10:30 p.m. sa TV5, mga wakasang istorya sa Wattpad Presents ang matutunghayan sa apat na Sabado ng Pebrero simula sa Pebrero 6.

Isa sa istorya nito ang may pamagat na Mysterious Guy at the Coffee Shop na magtatampok kina Yassi Pressman at Vin Abrenica na ang istorya ay tungkol sa isang nerd na mahilig magbasa na makakabangga ang bokalista ng isang banda. Ito ang Valentine’s Day offering na palabas sa February 13.

Nakatsika namin si Vin sa kanilang presscon at nausisa namin na kung aware ba siya sa mga naglalabasang video ng mga kasama niya sa industries at kung hindi ba siya natatakot na baka one of these days eh, bigla na lang may lumantad na sexy video niya.

“Kung may mag leak po na mga kuha sa akin, malamang pixelated ‘yun,”natatawang sabi ng binatang umamin na naging bahagi ng kanyang kabataan ang pakikipag-chat sa chatroom sa internet.

“May webcams na po noon pero hindi gaya ngayon na nakukunan. Dati nga telepono pa ang gamit with the earphones. Eh, idinadaan naman po ‘yun. Basta pa naman ako noon. I was in high school. Kaya those times talagang for my own eyes only lang ang nangyayari. Kaya ‘am not bothered. Ngayon. ‘Am more mature na at tapos na ako sa mga ganyan. I am happy with my life now.”

Na pinasasaya ng kapwa niya Artista Academy winner na si Sophie. Matagal na rin ang relasyon nila ng dalaga na kung ilarawan ni Vin eh, sobrang business minded.

Ito na ba ang naghahanda for their future?

“Wala pa naman pong plano to get there. Gusto nga namin magsipag mabuti. Ako ‘am helping out with the family business sa Batangas. ‘Yung restaurant and resort namin ‘yung Patio Alfonso. Minsan ako ang chef since I took up naman culinary arts din. So ako nagluluto. Japanese fusion ang ino-offer namin sa mga dumadalaw. So, parang sa akin na rin natoka ang pamamahala.”

Happy nga si Vin na busy na rin uli sa pag-arte ang  Kuya  Aljur  niya pati na ang kanilang bunso na mapapanood sa Hermano Pule ni direk Gil Portes.

But what is this we heard na isa siya sa nakatakda ring lumipat na sa ibang estasyon. Sa ABS-CBN nga ba?

Nangiti lang ang binata. ”Everything is under negotiation pa tita. We’ll see!”

Ang mga istoryang mapapanood sa Wattpad Presents which promises  kilig and fun ay ang Avah Maldita featuring Ella Cruz, Donnalyn Bartolomeo and Akihiro Blanco (Pebrero 6); ang kina Vin at Yassi  (Pebrero 13); My Soulmate is from Another Planet nina Bianca King and Derek Ramsay (Pebrero 20): at My Vasanoiva Husband naman ni Meg Imperial (Pebrero 27).

Featured din simula sa Pebrero 6 ang MTV Top 20 Pilipinas hosted by VJ Aryana. A two-hour weekly program na magtatampok sa pinaka-maiinit at pinaka-hit na top 20 OPM songs sa bansa base sa requests ng  mga tagapakinig at radio airplay.

Well, na-challenge ba kayo kay Vin? May lilitaw kayang pics o video niya?

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …