Monday , December 23 2024

Oras natin sinayang ni Enrile

00 Bulabugin jerry yap jsyDESMAYADO ang maraming kababayan natin na nag-abang sa reinvestigation ng Mamasapano incident.

Marami ang excited sa pag-aabang dahil inakala nilang mayroong ‘bago’ sa pasasabugin ni Senator Johnny Ponce Enrile.

Pero nangalay ang mata at tainga natin sa paghihintay ng ‘pasabog’ kuno ni Enrile pero isang malaking ‘ZERO’ umano ang napala nila sa kahihintay.

Walang bagong ebidensiya na naiharap si Enrile sa Senado sa partikular, at sa madla sa kabuuan.

Walang ginawa ang matandang Senador kundi magsermon!

Sinermonan sina Gen. Napeñas at PNP ex-chief Gen. Purisima para maidiin si PNoy pero nabigo siya sa kanyang layunin.

Kumbaga, bokya ang ipinagyayabang niyang pasabog.

Nasayang lang ang oras ng sambayanan sa pag-aabang sa kanyang pasabog.

Sabi nga ng netizens, PANIS!

3 MPD police bodyguards ng Tsinoy drug triad

Kumikita umano nang malaking halaga ang tatlong opisyal ng Manila Police District sa pagbibigay ng seguridad sa ilang Tsinoy na kilalang miyembro ng drug triad sa Binondo, Maynila.

Ayon sa ilang MPD junior officer na nakausap natin, ang tatlong opisyal ay kilala sa tawag na alias ‘BOY GULAY’ ng Ilaya PCP, alias ‘BOY BLACKMAN’ ng SOLER PCP at alias ‘ROBIN PADILLA’ ng  Asuncion PCP.

Wala raw ginawa ang tatlong itlog kundi mag-bodyguard sa mga intsik na pinaghihinalaan na may negosyong droga sa Binondo, Maynila.

Laging ON CALL nga raw ang tatlong lespu kapag may deal sa kanilang negosyong ilegal na droga at nakikita na sila pa mismo ang nagbibitbit ng attaché  case na may lamang droga.

Nagsisilbi rin silang personal driver ng mga nasabing dubious Chinese characters?!

Sonabagan!!!

Sa loob lang ng walong buwan na pagba-bodyguard sa mga Tsinoy triad  ng tatlong itlog ay binigyan sila ng bonus na sasakyang brand new kaya ang kanilang dating gamit na karag-karag na scooter ay inabandona na sa tabi ng kanilang outpost.

Kaya naman ang mga kasamahan nilang mga PO1 ay inggit na inggit sa biglang pag-asenso ng mga kumag mula sa pag-i-escort sa mga Chinese gangster.

No wonder, na hirap makahuli ang MPD-DAID, PNP-AIDG at PDEA ng mga Tsinoy na drug triad sa Binondo dahil sa tatlong tongpats na MPD police?!

What can you say outgoing MPD district director Gen. Rolando Nana!?

Hindi ba naibato ni media-online ‘kaibigan’ sulsoltant ang info na ‘yan sa inyo!?

Checkpoint sa Maynila may toll fee!?

SINISINGIL daw ng toll fee ng isang opisyal ng Manila Police District (MPD) na team leader ng isang checkpoint ang lahat na masisita niya sa Tondo, Maynila tuwing sasapit ang gabi.

Mismong isang pulis (PO3) na naka-assign sa Manila Police District HQ ang nakatikim ng kawalanghiyaan sa checkpoint dahil parang kriminal siyang nirekisa ang buong katawan kahit ipinakita pa niya ang kanyang PNP ID at badge na nagpapatunay na siya’y isa ring pulis.

Ang sinasabing abusadong opisyal ng MPD ay si P/INSP. LINGIT ng P. ALGUE PCP ng Moriones Police Station 2 ay inireklamo kamakailan sa MPD-GAS.

Ayon kay P/CINSP. Arsenio Riparip, hepe ng Manila Police District – General Assignment Section, dakong 2:00 ng madaling araw nang parahin nila punyente ‘este’ Tinyente Lingit  ang biktimang pulis sa Comelec checkpoint sa kahabaan ng Jose Abad Santos Ave., corner P. Algue St., Tondo, Maynila.

Inatasan kasi ni Major Riparip si PO3 Manalang na magsagawa ng follow-up surveillance sa AOR ng Jose Abad Santos Police Station 7 dahil maraming reklamo ng kotong sa checkpoint.

Dahil negatibo ang resulta ng surveillance ni PO3 Manalang ay minabuti niyang bumalik sa MPD Headquarters pero pagdating niya sa P. Algue PCP Comelec checkpoint ay pinara siya ng opisyal at siya naman ay huminto at nagpakilalang pulis-MPD. ‘E mukhang nakasama pa yata ang pagpapakilala niya na kabaro din siya dahil inutusan pa siyang itaas ang kamay at saka nirekisang mabuti ang buong katawan niya.

Nang walang makitang dalang baril si PO3 ay sinabihan  naman siya ng opisyal na magbigay na lang ng pang-kape saka siya pinaalis.

Sonabagan!!!

Bakit nagkakaganito ang mga pulis mo, Gen. Rolando Nana!?

Ang latest, nagkaharap na sa tanggapan ng MPD-GAS si PO3 at Tinyente Ingit ‘este’ Lingit. Biglang naging mukhang maamong tupa raw si Lingit at humingi pa ng patawad sa biktima.

Ilan pa bang ganitong klaseng pulis sa administrasyon mo, Gen. Rolando Nana!?

Salamat po!

GOOD am itong number na ito is active po ba? Nakuha ko lng po ito s diyaryo n hiniram ko s frend ko. Nakaka interes po basahin ung Bulabugin n’yo #+639212329 – – – –

‘SPA-kol’ sa Dasmariñas Cavite

MAGANDANG hapon po concern citizen lng po aq ng Dasmariñas Cavite. Maaari po bang pakitingnan po ung SPA sa highway sa stages po, bukod po sa masahe my iba pang serbisyo #+63999024 – – – –

Reaction kay Kernel Marcelino

MAGANDANG gabi po sir Jerry Yap, ako po si 2nd Lieutenant Aljude Ancheta. Dapat lang po kasuhan ang isang opisyal na si Lt. Col. Marcelino kung mapatunayan na involve cya sa shabu lab. Nakakasira sa hanay namin. #+63919314 – – – –

Reklamo sa PISA Corp Security Agency

GOOD pm po, pakibulabog naman po ang security agency na PISA Corp, hndi naghuhulog ng SSS, Pag-ibig at Philhealth. Thanks po #+63943854 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *