Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meg, na-depress nang mawalan ng TV show

012916 meg imperial
NOW it can be told. Tulad ng ibang celebrities ay dumaaan pala sa depression si Meg Imperial.

Ito ‘yung panahon na nagbida na siya sa Moon of Desire. Bigla kasi siyang nawala sa eksena, nawalan ng giya ang career niya.

“I got depressed for some reasons—family matters, career-wise. In-accept ko lahat ‘yon. It’s my fault. One of the reasons siguro ay napabayaan ko ang sarili ko. With the trust from Boss Vic (del Rosario), binibigyan niya ako ng project para may mapatunayan ako.

“I’m happy na binigyan niya ako ng project like ‘Bakit Manipis Ang Ulap’ dahil dito ay mailalabas ko talaga ang ability ko sa pag-arte.  With that pa lang, ‘yun na ang chance to prove that I’m not a celebrity, I’m an artist,” chika  ni Meg sa presscon ng bago niyang show, ang Wattpad MTV.

Unti-unti nang nakabangon si Meg sa kanyang depression.

“Siguro sa bawat down ay lagi tayong may natutuhan doon in life. Sa akin, siguro is to take care of myself. Masyadong emotional ako, mabilis akong ma-down, kung may marinig lang ako ay mabilis akong maapektuhan.

“Siguro because of that ay mas naging strong ang personality ko, mas naging ’yung strong ang loob ko na harapin ‘yung mga bagay na ‘yon. Sa second chance na binigyan ako ng opportunity, ng big break ay ready na ako to face it. Mas may confidence na kaya kong i-handle ang sarili ko,” say niya sa mga bagay na natutuhan niya nang ma-depress siya.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …