MARAMI ang humanga sa kasimplehan ng wedding ni Cristine Reyes at Ali Khatibi.
At isa na kami roon.
Kasi naman, walang fanfare, simple and solemn ang wedding sa Balesin. Naka-white ang couple at bagay sa kanila ang beach wedding na ‘yon. Pareho kasi silang maganda ang katawan na binagayan ng white outfit.
Kahanga-hanga ang magdyowa dahil hindi sila katulad ng ibang celebrity couples na pinagkakitaan ang kasal. Wala silang wedding coverage at nasunod ang kanilang wish na maging simpleng affair lang ito with only some relatives and family friends ang mga bisita.
UNCUT – Alex Brosas