Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Del Rosario at Pangilinan, nag-volt-in para pasiglahin muli ang TV5

113015 Vic del Rosario Manny Pangilinan
THERE’S no stopping Viva TV sana muling pasiglahin ang negosyong pagpoprodyus ng mga makabuluhan at entertaining na panoorin na sunod-sunod na bubulaga right in your living room.

Year 2016 is definitely busy—if not busier than ever—para sa kompanya ni Boss Vic del Rosario na napiling makipag-volt in sa TV5 na pag-aari ni Mr. Manny V. Pangilinan. And when two major forces on TV have joined hands, aba, lalong magiging exciting ang kompetitisyon sa TV sa mga susunod na araw.

Bilang pasabog sa kapapasok lang ng taon, tatlo agad na ambisyosong proyekto ang inilunsad ng Viva TV all of which ay nasa primetime block ng Kapatid Network. Sabay na magpa-pilot sa February 6, Sabado, ng magkasunod na oras ang Born To Be a Star, a reality singing completion at ang Tasya Fantasya.

In BTBAS, magsisilbing mga host sina Ogie Alcasid at Yassi Pressman, kasama ang mga huradong sina Mark Bautista, Kean Cipriano, Andrew E., at Pops Fernandez.

Umaasa naman si Boss Vic na ang inilunsad niyang Pop Girls na kabilang si Shy Carlos will duplicate the feat ng sikat na sikat na ngayong si Nadine Lustre. Paired with Mark Neumann, kompiyansa ang Viva top honcho na susunod naman si Mark sa mga yapak ni James Reid.

Kung parehong Sabado ng gabi ay may hatid na kantahan at pantasya, wait, there’s more. Simula kasi sa February 15, Lunes hanggang Biyernes ay nakatakdang lumikha ng marka—if not get a large chunk of the audience—ang kauna-unahang teledrama sa TV5, ang Bakit Manipis ang Ulap?

With a powerful acting ensemble to boot, tiyak na may tuloy ang mga dramaserye at teleseryeng kasabay nito sa kabilang estasyon!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …