Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yassi, positive sa YanDre loveteam kahit may Barbie pa!

012816 andre yassi

00 SHOWBIZ ms mAMINADO kapwa sina Yassi Pressman at Andre Paras na pressure sila dahil pinagkatiwalaan sila ng Viva Films para magbida sa Girlfriend For Hire. Sa mga nauna kasi nilang pelikulang ginawa ay marami silang bida.

“Sa totoo lang, sobrang nakaka-pressure,” ani Yassi. ”Rito pa lang po sa industriya, sa pagiging artista, ang laki na po ng pressure, lalo na kung mabigyan ka ng ganitong pagkakataon na mapagkatiwalan ng management, mapagkatiwalaan ng lahat ng mga taong grabe po ang experience in the industy.

“Talagang ang laking honor, una. Pangalawa, alam po naming maraming expectations lalo na ‘yung mga reader and supporters po ng libro na talaga namang sobrang dami. Inaasahan po namin ang suporta nila kaya roon pa lang po, happy na rin po kami na magiging supportive po sila.

“Pero ‘yung pressure po roon, grabe. Grabe pa rin. (In a scale of) 1-10, mga 15, ganoon po,” sambit pa ni Yassi.

“Ang unang ginagawa ko po kasi, iniisip ko muna ‘yung saya, I just wanna enjoy what I’m doing and magustuhan man nila o hindi, as long as we gave them what they wanted and I’m sure, what they want is ‘yung pinagtrabahuhan po namin.

“We really worked hard for this, nag-brainstorm talaga kami, we talked about kung ano talaga ang kailangang gawin, kung ano ang kailangang i-add galing sa book and I’m sure, we will make the readers proud, not because I’m saying coz I have to, but I’m confident in saying it dahil we really, really worked hard for this and it’s not that easy to make a film like this kaya proud ako in a way na I’m not that pressured kasi I’m confident po,” sambit naman ni Andre.

Samantala, hindi naman daw conflict sa loveteam nila ni Andre  ang loveteam nit okay Barbie Forteza.

“’Yung sa amin naman po, sa amin ni Andre, ‘yung suporta po ng fans, lagi pong nariyan kahit po simula noong’ Diary ng Panget’ (unang movie nila), hanggang sa ‘Wang Fam’ hanggang dito, nariyan po talaga sila lagi.

“Tapos po siguro, ‘yung pagiging blessed ni Andre, mas nakikita nila ‘yung loveteam nila as a blessing for him, na ang dami niyang projects, na ‘yun nga, gaya ng sabi ko kanina, guwapo kasi ang loveteam ko, in demand siya, ganoon. Hindi ko po nakikita na conflict siya,” giit pa ni Yassi.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …