Saturday , November 23 2024

VP Jojo Binay sinungaling — Sen. Trillanes (Ebidensiya sandamakmak…)

00 Bulabugin jerry yap jsyPINANINDIGAN daw ni Vice President Jejomar Binay ang pagsisinungaling hanggang sa political advertisement (pol ad) sa pagsasabing walang ebidensiya ang mga akusasyon ng korupsiyon na ibinabato ng kanyang mga dating opisyal sa Makati City laban sa kanya at sa buong pamilya.

Ayon  kay Senator Antonio Trillanes IV, sandamakmak ang naipon nilang ebidensiya sa kanilang imbestigasyon lalo na sa isyu ng overpricing ng Makati Parking Building, pagtatayo ng Ospital ng Makati, Makati Science High School at University of Makati.

Ang pag-aaring Hacienda Binay sa Rosario, Batangas at ang mga lote at condominium sa Makati.

Mayroon din umanong isyu sa ghost employees sa City Hall, raket sa regalong cake para sa senior citizens at ang napakamurang pagbebenta umano ng lupa sa Boy Scouts of the Philippines (BSP).

Sa kabila ng mga akusasyon at ebidensiya, hindi sinipot ni VP Binay ang mga pagdinig sa Senado para kontrahin ang mga alegasyon.

Kinuwestiyon din sa Senado na mula sa P2 milyon noong 1988, lumago umano nang hanggang 2,300 porsiyento ang kabuhayan ni Binay o P60.25 milyon hanggang 2014.

‘Yan ay nakalap umano sa  loob ng 25 pagdinig sa Senado na tinampukan ng mga testimonya mula sa iba’t ibang testigo.

Sa kasalukuyan, naghihintay ang sambayanan kung ano ang resolusyon ng Senado sa akusasyong ito kay VP Binay.

Aabangan po natin ‘yan!

Sanggol namatay sa pangangalaga ng Boystown Complex ng MDSW

ISANG sanggol na lalaki ang namatay sa pangangalaga ng Boystown Complex ng Manila Department of Social Work (MDSW) sa Boystown Complex sa Marikina City.              

Pinakain lang umano ng ulam na giniling na karne ng baboy, kinabukasan ay natigok na.

Naniniwala ang ina ng bata na nalason ang kanilang anak.

Ang insidente ay nangyari isang linggo na umano ang nakararaan batay sa reklamo ng ina ng sanggol.

Kaya ayon kay Dr. Arnold Pangan, hepe ng MDSW, bakit naman daw pinatagal pa ang reklamo?!

Kamote!

E abala pa sa paglalamay ‘yung pamilya paano makapagrereklamo kaagad?!

Masamang asal ang tugon ni Dr. Pangan sa hinaing ng isang inang namatayan ng sanggol.

Hindi ba niya puwedeng isagot na, “Misis, halikayo, kukunin namin ang statement ninyo para maimbestigahan at malaman natin kung ano talaga ang nangyari sa anak ninyo.”

Bakit parang ang reaksiyon ni Pangan ay defensive agad siya?!

Tama ba ang ganoong asal para sa isang hepe ng MDSW?!

Hindi pa nalilimutan nang madla ang na-ging karanasan ng batang si ‘Federico’ sa Manila RAC na yayat na yayat, buto’t balat sa kapayatan at natutulog sa magaspang na baldosa na walang kahit anong sapin.

Para bang naghihintay na lang na malagutan ng hininga.

Ang hepe ng RAC noong ay si Ms. Honey Lacuna-Pangan.

Nang  lumabas sa social media ay sinagip ng ilang non-govermental organization si Federico at ngayon nga ay nasa maayos nang kalagayan.

Ngayon naman, sa ilalim ng pangangalaga ng isang Dr. Pangan (na naman), isang sanggol na lalaki  ang namatay sa Boystown Complex dahil sa food poisoning.

Dapat pa kayang magtiwala ang mga Manilenyo sa mga institusyon na pinamamahalaan ng MDSW?!

Pakisagot na nga po!

Mayor Lim-tunay na nagmamahal sa Maynila

‘YAN talaga sakit nitong lipunan natin laging nalalaro ang mga batas. Ang saklap pa, pumapabor kadalasan sa mga kaaway ng lipunan o ‘ika nga ay mga anay dito sa lungsod ng Maynila. Tunay na wala nang hihigit pa sa ginagawang paglilingkod ni Mayor Fred Lim na talagang nagmamahal sa amin.#+63919665 – – – –

Ms. Universe pinataas ang moral ng sundalong maysakit

Dear Sir,

Salamat naman kasama sa itinerary ni Miss Universe, Pia Alonzo Wurtzbach ang mga sundalong naka-confine sa Heroes Ward of the Armed Forces of the Philippines (AFP) Medical Center.  Malaking impact ito sa mga sundalong naroroon.  Tiyak na mas mapapadali ang kanilang paggaling.  Alam naman natin kahit na hindi sundalo ay mahilig talaga sa magagandang binibini lalo na kapag may title at sikat na sikat,  ‘ika nga.  

Lalakas ang kanilang spirit to survive. Siyempre kapag masaya ang tao mas lalakas ang kanyang motivation sa ano mang larangan.

Sabi nga ni Chief of Public Affairs Office (PAO), Colonel Noel Detoyato, “the international beauty queen was an inspiration to all Filipinos.  The visit will surely lift the spirits of our wounded soldiers and their families.  Her visit is not only about words of inspiration but a manifestation that these (soldiers) are not forgotten.  Her visit is a message of peace to the peacemakers.”  Ang ganda ng sinabi ni Chief, PAO.   Wow na wow talaga.

FILOMENA  A.  MARTIN

Valenzuela Ville,

Valenzuela City

Kahit P500 dagdag SSS pension

MAG-COMENT lang po re: SSS addtl 2k pension. Ok lng hindi maibigay ung dagdag 2k sa pension pero sana magdagdag man lng si PNoy kahit 500 pesos man lng.

#+639393695 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *