Napag-usapan ang ukol sa kasal dahil ikakasal na (o baka naikasal na habang isinusulat ang column na ito) si Cristine kay Ali Khatibi.
Samantala, sinabi pa ni Isabelle na pinaka-challenging na teleserye sa kanya angTubig at Langis dahil sa mga dialogue niya na purong Tagalog. Bagamat marunong naman siyang mag-Tagalog, iba na raw kapag teleserye na medyo malalim.
Probinsiyana kasi ang role ni Isabelle kaya medyo iba ang mga salita at malalim ang Tagalog. Siya ang probinsiyang mang-aakit sa puso ni Natoy (Zanjoe).
Si Irene naman si Cristine, isang babaeng sumumpang gagawin ang lahat sa ngalan ng buo at masayang pamilya. Bata pa lang siya ay iniwan na siya ng kanyang ina habang ang ama ay may kinasama namang iba.
Buong akala niya ay mabubuo niya ang pangarap sa katauhan ng unang pag-ibig na si Jaime. Ngunit sa kasamaang palad, ang lalaking gusto niyang makasama habambuhay ay nauna nang nangako ng pag-ibig sa ibang babae. Sinubukan ni Irene na kalimutan si Jaime pero nag-iwan ito ng hindi mabuburang alaala— ang anak nila na si Myko.
Makalipas ang ilang taon, masayang nabubuhay si Irene kasama ang anak hanggang sa muling kumatok ang pag-ibig sa puso niya. Muli niyang makakadaupang-palad ang kababatang si Natoy na hindi kalauna’y aalukin siya ng kasal sa kabila ng pagiging isang single mom.
Kasama rin sa cast ng Tubig at Langis sina Vivian Velez, Lito Pimentel, Nadia Montenegro, Marco Gumabao, Ingrid Dela Paz, Dionne Monsanto, Archie Alemanie, Victor Silayan, at Miguel Vergara. Ito ay idinidirehe ni FM Reyes.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio