Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Movie nina Vice at Daniel, sisimulan na

022815 daniel padilla vice ganda
ANG ganda ng speech ni Vice Ganda sa victory party ng kanilang pelikula ni Coco Martin.

“Nagpapasalamat ako kay tita Cory (Vidanes), kay Sir Deo (Endrinal). Maraming salamat dahil sila ‘yung nakaaalam kung ano ang nangyayari sa akin, kung ano ang dapat gawin sa akin, kung nasaan akong posisyon at kung saan ako puwedeng pumunta pa.

“Kayo ‘yung laging nagre-remind sa akin kung ano ang dapat ikilos ng mga paa ko, kung saan ako pupunta, kung saan ako hihinto,”  anito.

Ikinuwento ni Vice ang chikahan nila ni  Deo Endrinal at kung ano ang natutuhan niya rito.

“Noong ginising nila ako isang beses, ni Sir Deo sinabi niya, ‘Masyado ka nang nagpapaganda. Masyado ka nang glossy. Pagkatapos ng ‘Girl, Boy, Bakla, Tomboy’ gusto mo pretty ka na lagi. Idiniretso mo pa sa concert, mukha ka ng babae, hindi ka na mukhang bakla.

“Ipinaalala niya sa akin na ‘yung nakilala nilang Vice, na nagpapatawa, ‘yung niloloko ang sarili, inookray ang sarili kapag inookray siya ng mga tao. Nami-miss na namin ‘yun. Nami-miss na ng mga tao na nagmamahal sa ‘yo kasi hindi na nila nakikita.

“Kaya tayo nagtatrabaho para kumita ng malaki. Pero sabi ko, ah, kaya pala ‘yun ang calling ko, ang pasayahin sila at ‘yun ang nagkakapagpasaya sa kanila.”

Nakakasa na ang next movie ni Vice with Daniel Padilla.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …