Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Atak Araña, enjoy katrabaho si Sharlene San Pedro

012716 Atak Araña Sharlene San Pedro

00 Alam mo na NonieISA ang komedyanteng si Atak Araña sa napapanood sa Wansapanataym Presents: Susi ni Sisay ng ABS CBN na tinatampukan ni Sharlene San Pedro.

Ayon kay Atak, masaya siyang maging bahagi ng show na pinamamahalaan ni Direk Wenn V. Deramas at tinatampukan din nina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Tetchie Agbayani, Matet de Leon, Marco Masa, at iba pa.

Nang usisain namin ukol kay Sharlene, pinuri niya ang young actress.“Oo kuya, maayos katrabaho si Sharlene. Masaya kami, mahusay siya at mabait,” wika ni Atak.

Ano ang papel niya rito?

“Ako si Leann dito, ang katulong ni Sisay (Sharlene) sa palengke. Ako ang nagtatanggol sa kanya kapag may nang-aaway sa kanya!”

Nagkuwento rin si Atak ukol sa nalalapit niyang Valentine’s show sa Music Box kasama ang magagaling na Diva sa comedy bar. “Sa Pre-Valentine’s show ko naman sa Feb.12 sa Music Box, kasama ko ang tatlo sa pinakamahusay na diva voice-alike sa comedy bars ng bansa. Sila sina Crissy na kaboses ni Mariah Carey. Raven na ang kaboses naman ay si Beyonce at Regina na kaboses ni Regine Velasquez.

“Sa show, aatakin ko sila sa pamamagitan ng pagdu-duet sa kanila! Walang script ito, gusto kong maging spontaneous lang ako sa gabing ‘yun! Gusto ko na spontaneous para natural lang ang da-ting sa audience, kuya.

“Pero siyempre, hindi lang kantahan ito, sure rin na riot ito sa katatawanan.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …