TINIYAK ni San Miguel Beer head coach Leo Austria na lalaro si June Mar Fajardo sa PBA Smart BRO Philippine Cup finals kung tatagal ito hanggang sa Game 7.
Hindi na naman pinaglaro si Fajardo sa Game 4 noong Linggo ng gabi sa PhilSports Arena pagkatapos na mapili siya bilang Best Player ng Philippine Cup.
“Before the game, I told June Mar, give us Game 7 and he will play,” wika ni Austria pagkatapos na pinigil ng Beermen ang pagwalis ng Alaska sa finals dulot ng 110-104 na panalo sa overtime kamakalawa. “We will give him enough time to heal kasi we don’t want to disrupt the healing process. Gusto man na maglaro si June Mar, pero I don’t want to aggravate his injury.”
Hindi nahirapan si Fajardo na makuha ang Best Player kahit hindi pa siya nakapaglaro sa finals dahil sa kanyang namamagang kanang tuhod noong semifinals kontra Rain or Shine.
“Mahirap kapag nandiyan ka sa gilid ng bench,” ani Fajardo. “Wala kang maitulong at magdasal ka na lang na sana, pumasok ang tira ng mga teammates mo. Masakit talaga kaya hindi ko kayang puwersahan ang tuhod ko. Nandoon pa rin ang sakit.”
Kahit wala pa si Fajardo sa Game 4 ay humabol pa ang SMB sa 93-82 na kalamangan ng Alaska sa regulation at nakalayo ang Beermen sa overtime sa pamamagitan ng 14 sunod na puntos na tinapos ng tres ni Alex Cabagnot.
“We gave up too many layups and we weren’t smart with the basketball with 21 turnovers,” ani Alaska coach Alex Compton. “SMB is a tough team with a bunch of winners. They showed their character and they fought hard. It won’t be easy on Wednesday although we get two days of rest.”
Sinigurado ni Chris Ross na mayroon pang Game 5 ng finals sa Smart Araneta Coliseum bukas simula alas-7 ng gabi sa pamamagitan ng kanyang 11 puntos, 11 rebounds at siyam na assists at mapili siya bilang Best Player ng TV5.
“We were able to close it out. Everything fell into place for us,” ani Ross. “Being in the finals is a blessing and you never know if this will be your last finals game.”
( James Ty III )