Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barrios: Gilas lalaban sa Olympic Qualifiers

100615 FIBA qualifiers olympics 2016
SINIGURO ng Executive Director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na si Renauld “Sonny” Barrios na makakatulong ang homecourt advantage para sa ating bansa sa pagdaraos ng FIBA Olympic qualifiers sa Hulyo.

Sa panayam ng DZMM noong Sabado, sinabi ng dating komisyuner ng PBA na ang ipinakitang suporta ng ating mga kababayan sa FIBA Asia noong 2013 ay magiging sandata ng Pilipinas sa pagharap nito sa lima pang mga malalakas na bansa para makuha ang isa sa tatlong natitirang puwesto para sa men’s basketball ng Rio Olympics.

“Most of the countries that are in the Olympic qualifying are ranked higher than us. We’re ranked 28th after our FIBA Asia performance in Changsha,” wika ni Barrios. “Our advantage is that we’re holding the games at the Mall of Asia Arena where the FIBA Asia was held. We will show our hospitality to the visiting countries during the tournament pero lalaban ang Gilas dahil makakatulong ang ating mga kababayan para manalo ang Gilas.”

Ayon sa pinakabagong mga rankings ng FIBA, nasa ilalim ng Pilipinas ang Korea, Senegal, Japan, Czech Republic at Italy na magiging punong abala rin ng isa sa mga qualifying tournaments.

“The highest-ranked country that we will face in the qualifying tournament is France which is ranked 5th. Serbia is 6th and Greece is 10th,” ani Barrios. “That shows how competitive this tournament is lalo na it’s for just one week. We hosted 15 teams sa FIBA Asia compared to only six for the Olympic qualifying kaya hindi ako sa nagyayabang, pero it’s easier to host less teams in a FIBA tournament.”

Umalis na kagabi si Barrios patungong Geneva, Switzerland, upang dumalo sa drawing of lots para sa OQT sa Miyerkoles ng madaling araw, oras sa Pilipinas.

Babalik siya kaagad upang maghanda na para sa pagdaraos ng torneo at makipag-usap  sa pangulo ng SBP na si Manny V. Pangilinan.

“The final lineup of coach Tab (Baldwin) will depend on which countries will be bracketed with us. Coach Tab picked Greece and Serbia as shoo-ins for the Olympics pero at least, hindi kami lalaban sa Serbia kasi host din sila ng isang qualifying tournament. We also beat Senegal sa FIBA World Cup two years ago,” pagtatapos ni Barrios.

( James Ty III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …