Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, bin-lock daw sa social media ang discoverer

110515 alden
HOW true na walang utang na loob itong si Alden Richards?

Nabalitaan kasi naming bin-lock ni Alden ang kanyang dating manager and discoverer sa lahat ng kanyang social media accounts.

Na-discover si Alden ng kanyang baklitang manager at tinulungang makapasok sa showbiz. Noong una, isinali siya sa halos lahat ng male pakontes sa Laguna hanggang sa dalhin siya nito sa Maynila upang mag-start ng showbiz career.

A friend told us na ang manager ni Alden ay siya ring naka-discover kay Liza Soberano na napunta kay Ogie Diaz. Naging maayos naman ang paghihiwalay nila. In fact, kapag nagkikita sila ay inaabutan siya ni Liza ng datung bilang pasasalamat na rin for paving the way para mapunta siya sa showbiz.

But this is not true with Alden na parang diring-diri na sa kanyang discoverer. Parang may matinding galit itong si Alden sa discoverer niya kaya bin-lock niya ito sa kanyang social media account.

Naku, true ba ito, Alden? Magsalita ka nga dahil baka sabihin ng mga tao na wala kang utang na loob. (Ayon naman sa isang malapit kay Alden, si Carlites de Guzman ang talagang manager-discoverer na ina-acknowledge ng actor. Tinulungan din siya noon ni Kuya Boy Abunda noong nagsisimula pa lang ito. Siguro’y si De Guzman ang dapat kausapin ng sinasabing discoverer din ni Alden—ED)

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …