Sunday , November 24 2024

Child Haus, wagi sa 14th Dhaka International film Festival

120415 Child Haus

00 Alam mo na NonieNAGWAGI bilang Best Children Film ang Child Haus sa 14th Dhaka International Film Festival. Ang pelikulang ito ni Direk Louie Ignacio ay tinalo ang siyam pang ibang finalists sa children section. Ang may-ari ng BG Productions International na si Ms. Baby Go ang tumanggap ng award, kasama sina Ferdinand Lapuz at Dennis Evangelista. Bahagi rin ng entourage nila sa Bangladesh si Romeo Lindain, co-producer sa naturang pelikula.

Ang Child Haus ay hinggil sa temporary shelter ng mga batang may sakit na cancer na itinayo ni Mother Ricky Reyes. Tinampukan ito nina Katrina Halili, Therese Malvar, Mona Louise Rey, Miggs Cuaderno, Felixia Dizon, Erika Yu, Ina Feleo, at iba pa.

Sa presscon ng pelikulang Tupang Ligaw na pinagbibidahan ni Matteo Gudicelli, nabanggit ni Dennis na may mga sasalihang filmfest ang Child Haus.

Samantala, kinuha namin ang reaction ni Direk Louie sa panalong ito ng kanyang pelikula. Nabanggit niya ang malaking panghihinayang dahil hindi siya nakasama sa grupo nina Ms. Baby sa Dhaka, Bangladesh.

“Sayang talaga hindi ako nakasama kaya lang marami akong dapat tapusin na tapings. Si Ferdinand Lapuz ang nagbalita sa akin, kasi sila ang nag-attend ng festival. Hindi ako nakasama, kasi nag-live ako ng Sunday Pinasaya, plus tapings sa GMA,” saad sa amin ni Direk Louie.

Dagdag pa ng masipag na direktor, “Napakasaya ko and nakakaiyak sa sobrang daming blessings!! Proud ako sa Child Haus at napansin sa dinami-daming entries sa 14th Dhaka International film Festival, kami pa ang nanalong Best Children Film!

“Ang saya! Salamat sa Panginoon sa napakasuwerteng bungad ng 2016 sa akin! Hopefully, masaili pa sana namin ang Child Haus sa iba pang international filmfest.”

Last year ay nanalo si Direk Louie bilang Best Director (Global) para sa Asintado sa International Film Festival Manhattan sa New York.

Inusisa rin namin si Direk Louie ukol sa pelikula niyang Laut mula BG Productions na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Ronwaldo Martin, Ana Capri, Raquel Pareno, Jak Roberto, Kim Rodriguez , Rodjun Cruz, Suzette Ranillo. Felixia Dizon, Erika Yu, Benjie Felipe, at iba pa.

“Ang Laut naman ay nasa official selection and competition sa London International Film Festival at sa Portugal.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *