Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Korina, super kilig sa love story nina Daniel at Erich

012416 korina daniel erich

00 SHOWBIZ ms mKILIG na kilig si Korina Sanchez-Roxas nang makapanayam niya ang real life sweethearts na sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales noong nakaraang Linggo sa top-rating show niya na Rated K para sa promo ng bago nilang palabas na Be My Lady na matagumpay na nag-pilot nitong nakaraang Linggo sa ABS-CBN.

Dito naikuwento ng magkasintahan kung paano sila na-in-luv sa isa’t isa at kung paano sila nagligawan. Ibinida pa ni Daniel na “all-around guy” siya na pati maglaba at magluto ay marunong siya. ”Perfect boyfriend ako,”pabirong sinabi ng Brazilian-Japanese young actor.

Hindi maiwasan ni Korina na maalala ang ligawan nila ng asawang si Mar Roxas habang pinakikinggan ang mga kuwento nina Daniel at Erich.

Sa kanyang Instagram account, naikuwento ni Korina ang muli niyang pagbisita sa Carlyle Hotel sa New York City matapos ang ilang taon, noong napakanayam niya si Pia Wurtzbach ngayong buwan na ito. Ayon kay Korina, sa Carlyle Hotel sila unang nag-date ni Mar noong  2001 na kapwa sila on official duty sa Presidential state visit sa Big Apple.

Mamayang gabi, kaabang-abang ang episode ng Rated K na pinamagatang Talaga Ba? Ipakikita ng misis ni Roxas mamayang gabi ang istorya sa likod ng todong pagsikat ni 2015 Miss Universe. Ipakikita rin ni Korina ang iba’t ibang themed cafes at restaurants na nakuha ng atensiyon ng kanilang mga costumer dahil sa kanilang kakaibang mga gimmick. Bibisitahin din ng Rated K ang Samar upang imbestigahan ang sinasabing mahiwagang lugar ng Birignan na pinto raw sa isang dimensiyon.

Tutukan natin ang Rated K mamayang 8:30 p.m. pagkatapos ng Wansapanatym at bago mag-Pilipinas Got Talent.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …