Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Korina, isa sa mga inspirasyon ni Pia

012316 Korina Sanchez Pia wurtzbach

00 SHOWBIZ ms mGULAT na gulat ang beteranang broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas nang eksklusibo niyang makapanayam ang Miss Universe 2015 na si Pia Alzonzo Wurtzbach sa New York City kamakailan.

Matatandaang isa si Korina sa mga nag-workshop sa mga Binibining Pilipinas candidates noong 2013 na first runner-up pa lamang si Pia. Tinuruan ni Korina ang mga kandidata kung paano sila sumagot sa interview o question and answer portion sa mga international pageants na kanilang sasalihan.

Matapos ang workshop, nagpa-autograph si Pia kay Koring. Ang isinulat ni Korina sa notebook ni Pia ay, ”Dear Pia, Love, laugh, and courage, love Korina.”

Hindi inakala ni Korina na itinago pala ‘yun ni Pia at dinala pa ang notebook na may autograph ni Korina sa Las Vegas nang lumaban at nagwagi sa Miss Universe beauty pageant.

Ipinakita ni Pia ang nasabing autograph kay Korina noong sumakay ang award-winning host ng Rated K sa limousine service ng ating Miss Universe.

Ayon kay Pia, ang sinabi ng misis ni Mar Roxas sa autograph ang isa sa mga nagsilbing inspirasyon para huwag bitawan ang kanyang pangarap na maiuwi ang korona ng Miss Universe sa ating bansa.

“Hinding hindi ko makalilimutan ang mga natutuhan ko kay Ms. Korina at isa siya sa aking mga inspirasyon,” ayon kay Pia.

Uuwi ngayong araw na ito, Enero 23 si Pia para sa pinakahihintay na engrandeng homecoming ng Miss Universe 2015.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …