Monday , December 23 2024

Anyare Lt. Col. Ferdinand Marcelino?!

marcelinoISA tayo sa mga nagulat at nadesmaya nang mabasa natin ang balitang nasa loob ng shabu laboratory sa isang townhouse sa Sta. Cruz, Maynila ang isang dating drugbuster ng PDEA na si Lt. Col. Ferdinand Marcelino.

Kasama niya ang isang Chinese national na sinabing dati rin interpreter ng PDEA kapag may nahuhuling mga Chinese nationals na sangkot sa ilegal na droga.

S’yempre, nagimbal ang buong sambayanan. Maraming nagsulputang katanungan.

Pero ang paliwanag ni Lt. Col. Marcelino mayroon daw siyang ginagawang intelligence work.

Pero wala naman siyang maipakitang dokumento o kahit mission order para patunayan na mayroon siyang tinatrabaho.

Wala rin statement na inilabas ang kanyang superior sa AFP.

Maging ang kanyang dating bossing na si Gen. Dionisio “Tagoy” Santiago ay nagsalita at desmayado rin.

Aniya, imbestigahan at kasuhan kung talagang may kasalanan si Lt. Col. Marcelino. Mas gusto pa nga niya ‘e bitayin pa.

Kahapon ay isinailalim na sa inquest proceedings si Lt. Col. Marcelino sa Department of Justice (DOJ).

Maikli lang ang kanyang statement, “This is what I get in loving our country and trying to eradicate illegal drugs. I will never betray the Filipino people.”

Nakahanda umano siyang sumailalim sa proseso ng batas upang magkarooon siya ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili.

For the benefit of the doubt, ‘ika nga, pakinggan natin si Lt. Col. Marcelino.

Pero kung talagang mayroon siyang paglabag kinakailangan sigurong ipataw ang mabigat na parusa sa isang opisyal na tumalikod sa kanyang sinumpaang tungkulin.

Sana nga lang ay magkaroon ng pagkakataon si Lt. Col. Marcelino na maiklaro kung ano man ang kinasasangkutan niya ngayon.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *