Monday , December 23 2024

Anyare Lt. Col. Ferdinand Marcelino?!

00 Bulabugin jerry yap jsyISA tayo sa mga nagulat at nadesmaya nang mabasa natin ang balitang nasa loob ng shabu laboratory sa isang townhouse sa Sta. Cruz, Maynila ang isang dating drugbuster ng PDEA na si Lt. Col. Ferdinand Marcelino.

Kasama niya ang isang Chinese national na sinabing dati rin interpreter ng PDEA kapag may nahuhuling mga Chinese nationals na sangkot sa ilegal na droga.

S’yempre, nagimbal ang buong sambayanan. Maraming nagsulputang katanungan.

Pero ang paliwanag ni Lt. Col. Marcelino mayroon daw siyang ginagawang intelligence work.

Pero wala naman siyang maipakitang dokumento o kahit mission order para patunayan na mayroon siyang tinatrabaho.

Wala rin statement na inilabas ang kanyang superior sa AFP.

Maging ang kanyang dating bossing na si Gen. Dionisio “Tagoy” Santiago ay nagsalita at desmayado rin.

Aniya, imbestigahan at kasuhan kung talagang may kasalanan si Lt. Col. Marcelino. Mas gusto pa nga niya ‘e bitayin pa.

Kahapon ay isinailalim na sa inquest proceedings si Lt. Col. Marcelino sa Department of Justice (DOJ).

Maikli lang ang kanyang statement, “This is what I get in loving our country and trying to eradicate illegal drugs. I will never betray the Filipino people.”

Nakahanda umano siyang sumailalim sa proseso ng batas upang magkarooon siya ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili.

For the benefit of the doubt, ‘ika nga, pakinggan natin si Lt. Col. Marcelino.

Pero kung talagang mayroon siyang paglabag kinakailangan sigurong ipataw ang mabigat na parusa sa isang opisyal na tumalikod sa kanyang sinumpaang tungkulin.

Sana nga lang ay magkaroon ng pagkakataon si Lt. Col. Marcelino na maiklaro kung ano man ang kinasasangkutan niya ngayon.

‘Yun lang po.

Jueteng all the way sa Caloocan at Malabon for fund raising ba?!

Patuloy  ang pamamayagpag ng mga ilegal na sugal sa Camanava area partikular sa mga lungsod ng Malabon at Caloocan.

‘Yan po ang nakarating na impormasyon sa inyong lingkod.

Kung kailan umano mag-eeleksiyon ay saka lalong lumakas ang mga ilegal na su-gal sa Malabon at Caloocan.

Ayon sa mga bulungan, pawang mga nagpapakilalang kamag-anak umano nina Mayor Antolin “Len Len” Oreta at Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang nagpapatakbo ng mga ilegal na sugal sa dalawang lungsod kaya nagmimistulang inutil ang mga pulis doon?

At higit na nakapagtataka umano tila nagbubulag-bulagan ang mga hepe ng Malabon at Caloocan PNP sa lantaran at sunod-sunod na bola ng jueteng.

Maugong din ang tsismis na ginagamit umanong campaign fund kaya no wonder na lalong dumadausdos sa survey ang LP.

Isang kabo umano ng jueteng sa Brgy. Tinajeros, Malabon na alyas “Mari” ang nagmamalaking may bendisyon mismo ng palasyo ang malawakang jueteng sa lungsod.

Ano ba ‘yan?

Pati pangalan ng Palasyo ay kaladkad na sa jueteng, hindi ba nahihiya si Mayor Len Len sa kawalang aksiyon niya sa lantarang jueteng sa Malabon?

Kay Mayor Oca naman daw ay sobrang lakas sa kanya ng isang alyas ‘Manoling’ kaya nagtetengang-kawali lang sa mga ilegal na sugal sa Caloocan.

Ano ba talaga ang nangyayari sa Liberal Party, congressman Egay Erice?

Pakisagot na nga po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *