Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wowowin ni Willie Revillame, magiging daily na!

012216  Willie Revillame

00 Alam mo na NonieNAGTAPOS man ang show ni Willie Revillame sa GMA-7 na Wowowin, balita namin ay babalik ito at magiging daily na.

Actually, present kami-kasama ang mga miyembro ng D’ Entertainment Media Carolers sa isa sa last tapings ni Willie noong December 2015 at doon pa lang ay tila ipinahiwatig na ni Willie ang kanyang labis na kagustuhan at Christmas wish na rin na maging daily na ang kanyang show sa Kapuso Network.

Ilang beses nabanggit ito ni Willie at ng mga kasama niya sa Wowowin, na wish nilang maging araw-araw na ang kanilang show sa Siyete. Kaya natunugan agad namin na either nilalakad na nila ito o plantasdo na ang pagiging daily ng Wowowin.

Sa pagtatapos ng show ni Willie, ito ang kanyang ipinahayag:

“Kapag nanood ka po ng programang ito, kahit paano, yun bang nakakatulong para mapangiti kayo, mapasaya namin kayo, iyon  po ang importante, e. Kami ay maging gamot ninyo sa inyong kalungkutan, maging gamot nyo kung kayo po ay nada-down sa buhay. Kasi kung napapanood nyo po ang programang ito, dito nyo po nakikita ang tunay na buhay.

“Walang script, walang direktor na nagsasabing, ‘Action! Cut!’ Walang ganoon dito. Dito po, kung makikita nyo, lalabas ako sa stage, maglalapitan, hahalikan ka, yayakapin ka. Kayo po ang inspirasyon namin, lalong-lalo na ako. Kapag maraming nanonood, mas lalo po kaming ginaganahan. At kapag marami hong nanonood, mas nag-iisip pa po kami kung anong maibibigay namin na saya para sa inyong lahat.

“Sa lahat po ng nagmamahal sa programang Wowowin, salamat po at hindi nyo kami iniwan sa siyam na buwan na nakapiling namin kayo.”

Balita namin, bago ang early evening newscast sa GMA-7 papasok ang daily show ni Willie. Abangan…

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …