Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Work ethics ni Claudine, nabago na

012216 claudine barretto
MALIBAN sa kanyang huling pelikula in September last year—angEtiquette for Mistresses—Claudine  Barretto was last seen on GMA’sIglot four years ago.

This 2016, Claudine resurrects her TV career via Viva TV’s Bakit Manipis ang Ulap?, inspired ng Danny Zialcita film in 1985 sa direksiyon naman ngayon ni Joel Lamangan.

Sa loob ng apat na taong ‘yon, aminado ang aktres that it changed the course of her life, nalagay din kasi sa alanganin ang kanyang mga family relationship. Pero aniya, ”Nagiging maayos na ngayon.”

Masuwerte naming nakorner si Claudine nang dumating para sa presscon ng nasabing teledrama. Clad in maroon, Claudine looked back in shape.

“Raymart (Santiago) and I are now friends. May sakit nga siya, eh,”malungkot niyang sambit. Napawi lang ito with the sheer excitement sa kanyang muling pagiging aktibo sa showbiz.

“Thrice a week ako nagte-tape for this teledrama. At lagi akong maaga sa set, ha?” ani Claudine who arrives for work one hour earlier than the eight in the morning call time.

Kabilang din ba sa magandang takbo ng kanyang buhay ngayon ang pagkakaroon ng bagong pag-ibig? Her face slightly twitched, ”Wala nga, eh.”

Hindi ba posibleng maging sila na ni Diether Ocampo, her other love interest in Bakit Manipis ang Ulap?, lalo’t break na rin ito sa kanyang nobya? ”May usapan na kami ni Diether tungkol diyan. Marami na kasi kaming pinagsamahang trabaho ni Diether. Sabi namin, ‘pag 35 na kami at wala pa kaming respective partners, kami na lang. Ka-birthday niya kasi si Santino, July 19. Ako naman, July 20, pareho kami ni Raymart. Kaso noong nag-36 na kami pareho, wala rin.”

So, may hinayang factor ito…?

Samantala, Bakit Manipis ang Ulap? Airs beginning February 15 sa primetime block ng lalong pinasiglang TV5.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …