Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Business grabber

00 PanaginipDear Maestro,

Itago po ninyo ako sa pangalang Arvid Acosta. Minsan ay nanaginip ako na kung saan ay mayroon akong inagawan ng negosyo at ipinade-demolish ko ang kanyang publishing house habang pinanonood ko mula sa kotse ko ang eksena. Kasunod noon ay nagmamakaawa na ang ang mga tagapagmana pero ipinatataboy ko sila sa mga guwardiya. In the end ay nakuha ko na ang buong kayamanan ng karibal ko sa negosyo. I wanna know kung anong meaning ng dream ko.Ty po. (09176484328)

To Arvid,

Maaaring ang ganitong klase ng panaginip ay bunsod ng mga agam-agam na nararanasan mo sa pang-araw-araw na ikot ng buhay. Maaaring may koneksiyon ang bungang-tulog na ganitong tema sa mga pressure na nakukuha mo sa trabaho o negosyo. Maaaring may kaugnayan din ito sa mga taong naiinggit sa iyo o mga kakumpitensiya sanegosyo o posisyon sa trabaho na inaasam. Sa kabilang banda, posible rin namang may nag-trigger lang sa paligid mo tulad ng mga nababasa o napapanood, kaya nag-manifest ito sa iyong panaginip. Kung ganito ang sitwasyon, huwag mo ng isipin ang napanaginipan dahil nagkataon lang ito at walang direktang koneksiyon talaga sa iyo.

Ang panaginip naman ukol sa kotse ay nagsasaad ng paglalakbay mo at ang daang tinatahak ng iyong buhay. Nagpapakita ito ng tinatakbo ng iyong buhay at kung paano ang mga pangyayari sa bawat kabanata nito. Kung nagmamaneho ka at hindi mo nakikita ang daan, nagsasaad ito na hindi mo alam ang iyong direksiyon sa buhay at kung ano ang gusto mong gawin sa iyong buhay.

Kung makurba naman ang daan, nagpapakita ng mga balakid at hirap sa pagkamit ng iyong adhikain at mga pangarap sa buhay. Maaari rin na analogue sa iyong sex life at sex performance ang tungkol sa pagmamaneho mo ng kotse.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …