Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Korona bilang Reyna ng TV5, malilipat na kay Shy

011716 shy carlos Tasya Fantasya
FANTASTIC fantasy! Napahanga ako ni Shy Carlos nang mapanood ko ito sa trilogy na  Lumayo Ka Nga sa Akin na kasama niya sa episode ang Diamond Star na si Maricel Soriano at ang Quezon City Mayor na si Herbert Bautista.

Okay siya sa role na maarteng anak nina Marya at HB. Pero nang ma-possess siya bilang horror ang natokang episode sa kanila umarte si bagets!

Kaya nang makita naman namin ito sa presscon ng Tasya Fantasya sa TV5 na siya ang bida, napahanga na naman kami sa pag-apir niya in her character na kumanta at sumayaw pa.

Bale remake ng Viva Films ang isa sa mga trabaho ni Carlo J. Caparas na nagkaroon na rin ng version sa TV at sa pelikula matapos na mabasa na ito ng ng mga suki ng komiks noong nagdaang mga taon.

Sa tsikahan with Shy, marami ang impressed sa mga nai-share niya about her. Hindi lang siya watch ng National Geographic ha! read niya rin ang magazine.

Titingnan ng Viva Films at TV5 kung may magic ang pagiging tandem nila ni Mark Neumann sa nasabing serye.

Walang matukoy na pantasya si Shy nang tanungin siya about it.

For sure, nahugot na niya ang mga pantasyang ito sa mga karakter na ginampanan na niya sa pelikula at television. Na naging mga totoo sa pagbibigay niya ng sarili niyang interpretasyon!

Kung malipat kay Shy ang korona bilang Reyna sa Singko, ang trabaho pa rin niya ang magpapatunay nito!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …