Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erap, umamin kay Korina na si Mar ang karapat-dapat maging pangulo!

012216 erap korina

00 SHOWBIZ ms mTUWANG-TUWA ang beteranang broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas nang bigla niyang nakita ang dating Pangulo na ngayon ay alkalde ng Maynila na si Joseph “Erap” Estrada noong nakipiyesta sila sa pista ng Sto. Niño sa Tondo, Manila.

Kasama ng misis ni Mar Roxas na naglibot sa mga kalye ng Tondo ang senatoriable na si Risa Hontiveros at si Aika Robredo, isa sa mga anak na babae ni Vice-Presidentiable  Leni Robredo.

Game na game na nakipagbiruan sa isa’t isa sina Koring at Erap na siya namang ikinagalak ng mga taga-Tondo at ng kanilang mga kasama.

“Sir, sexy kayo ngayon and banat na banat ang mukha, ano po ang inyong sikreto?” pabirong tanong ni Korina.

“Ikaw naman Koring, ‘wag tayo rito magsabihin ng sikreto sa harap ng madlang pipol noh,” mabilis namang sagot ng dating aktor.

Ang ikinagulat at ikinatuwa ni Koring ay ang masinsinan nilang usapan  ni Erap na buong tapang na sinabi sa kanya nito na si Mar ang manok niya sa lahat ng mga tatakbo sa pagka-pangulo kahit na hindi bahagi si Erap ng Liberal Party.

“Korina I always tell everyone and will tell you again that I think Mar Roxas is the most qualified to become president,” ani Erap kay Korina.

Dahil dito, parang nawala ang pagod ni Korina at lalo pang ginanahang makisaya kasama ang buong Tondo sa pista ng Sto. Niño.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …