Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coleen Garcia, pasaway kaya sinibak sa It’s Showtime?

012216 Coleen garcia

00 Alam mo na NonieMAY nagtsika sa amin na sinibak daw si Coleen Garcia sa It’s Showtime. Ang rason ay dahil sa pagiging maldita raw ng aktres/TV host.

Taliwas ito sa sinabi ni Coleen sa isang panayam na ang dahilan ng pagkawala niya sa pangtanghali TV show ng ABS CBN ay dahil gusto niyang mag-focus sa acting.

“Actually, I was barely ever there during the entire second half of 2015. I don’t think I’ll be returning. Management talked to me and they want me to focus on acting,” saad ni Coleen sa panayam ng ABS-CBN News.

Pero ayon sa nasagap naming balita, ang pagiging pasaway at maldita nito ang tunay na dahilan kaya siya nawala sa It’s Showtime.

Naimbiyerna raw ang staff ng It’s Showtime dahil umalis ang dalaga para magbakasyon kahit hindi pinapayagan. Tapos ang siste pa, imbes na madaliin ang kanyang bakasyon dahil wala itong go signal ng show nila, nag-extend pa raw ng bakasyon ni Coleeen.

Pero ang mas matinding sabi ng aking informant, ang gap nina Anne Curtis at Coleen ang tuluyang naging dahilan para sibakin nang tuluyan sa show ang GF ni Billy Crawford. Madalas daw kasing irapan ni Coleen si Anne, kahit na palabati at palangiti naman ang una sa mga kasamahan niya sa It’s Showtime.

Hindi lang daw sure ang nagsabi sa akin nito kung bakit bad trip si Coleen kay Anne, kaya lagi niya itong dinededma at iniirapan.

Pati raw sa soap operang Pasion de Amor ay pasaway si Coleen, kaya ang ilang mga katrabaho niya rito ay naiirita na sa kanya. Mabuti na lang daw at malapit nang magtapos ang naturang soap opera ng ABS CBN.

Kaya sabi pa ng mahaderang bading na nagtsika sa amin nito, “Hay naku, magsisisi si Coleen sa mga ginagawa niya sa kanyang buhay! Ang daming artistang gustong magka-show sa Dos at maging part ng It’s Showtime, tapos siya nga na nandoon na, nag-inarte pa siya!”

Well, sana ay marinig din naman natin ang reaction o panig ni Coleen sa mga isyung ito.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …