Sunday , May 11 2025

Olympic qualifying tour idaraos sa ‘pinas

100615 FIBA qualifiers olympics 2016
HINDI naitago ng pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na si Manny V. Pangilinan ang kanyang kasiyahan pagkatapos na makuha ng ating bansa ang karapatang idaos ang isa sa tatlong wildcard qualifiers para sa men’s basketball ng Rio Olympics.

Bukod sa Pilipinas, gagawin din sa Serbia at Italya ang dalawa pang torneong sabay na gagawin mula Hulyo 4 hanggang 10 kung saan tig-anim na bansa ang maglalaban para sa tatlong huling puwesto sa Rio.

“Happy for Pinas. Happy for our people,” pahayag ni Pangilinan sa isang text na mensahe sa lahat ng mga media outlets noong Martes ng gabi. “God bless Gilas, God bless our country,” said the businessman-sportsman. “Doing it for the love of the sport and our millions of Pinoy basketball fans worldwide.”

Sisikapin ng Gilas Pilipinas na makapasok sa Olympics sa unang pagkakataon mula pa noong 1972.

Ayon naman kay Gilas team manager Butch Antonio, magtatrabaho na kaagad ang SBP para maging matagumpay ang pagdaos ng Olympic qualifying tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

“Winning it (pagiging host) is one thing, putting our act together and putting things in order is another thing. We have to make sure that when we host, we have the best hosting, of the three pa nga if possible,” ani Antonio. “It’s time to show we’re capable. Let’s savor this achievement. It just shows that the Philippines is definitely on the FIBA map, we’re now a regular fixture.”

Gagawin ang drawing of lots para sa mga bansang kasali sa tatlong wildcard na torneo sa Enero 26.

( James Ty III )

About James Ty III

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *