Monday , December 23 2024

Nakikisimpatiya tayo kay Lowell Menorca

00 Bulabugin jerry yap jsyNALULUNGKOT tayo sa katotohanang ang mga alagad ng batas (Manila Police Distrcict) na sana’y tagapagtanggol ng mga sibilyan ay parang nagagamit para sa panggigipit ng ating mga kababayan.

Nangyari rin po ‘yan mismo sa inyong lingkod.

Kaya nang makita natin sa telebisyon kahapon ng umaga kung paano inaresto sa kasong libelo si Lowell Menorca ay bigla kong naaalala ang nangyari sa akin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Abril 5 nang nakaraang taon.

Kay Menorca, ang naghain ng warrant of arrest ay nakasibilyan at naka-tsinelas pa.

Ni hindi man lang natin nakitang nagpakilala o nagpakita ng kanyang identification card para i-establish ang kanyang identity bilang police.

Kung makikita po ninyo ang kumakalat na video sa internet, ‘e talagang dinamba no’ng pulis si Menorca, niyakap at talagang desididong huwag bitawan.

Kasama ni Menorca ng mga oras na iyon ang kanyang asawa at anak dahil dadalo sila sa isang hearing sa Court of Appeals (CA).

Una, kaduda-duda ang pagsisilbi ng warrant of arrest na inisyu mula sa isang korte sa Marawi City. Mukhang naglalayong abalahin sila sa pagdalo sa hearing sa CA.

Ikalawa, tiyak na grabeng trauma ang dinaranas ngayon ng anak at asawa ni Menorca dahil sa ginawa ng nasabing pulis-MPD.

Libel ang kaso ni Menorca at hindi heinous crime pero no’ng mahawakan siya ng pulis ‘e para siyang hardened and notorious criminal.

Ganitong-ganito ang naranasan natin noon sa Airport nang pagsalikupan tayo ng mga pulis, isang araw ng Linggo.

Mantakin ninyo, inaaresto ako sa kasong Libel, isang araw ng Linggo pagkagaling sa bakasyon sa ibang bansa?!

Nang-aaresto sa araw ng Linggo?!

Malinaw naman sa batas na BAWAL mang-aresto ang mga awtoridad kapag Biyernes ng hapon, Sabado at Linggo lalo na kung hindi makapaglalakad ng dokumento para sa pagpipiyansa ang akusado.

Ang mga pulis ba ng MPD ay talagang sinanay para mang-harass ng mga mamamayan!?

Aba’y sabi nga ng mga antigong pulis-MPD, ngayon lang daw naman nangyayari ang ganyan gawain sa administrasyon ni Gen. Rolly Nakna ‘este’ Nana!?

E bakit kapag sa mga notoryus na kriminal hindi nila nagagawa ‘yan?!

Bakit hindi sa mga bigtime na drug dealer ninyo gamitin ang mga tapang ninyo?

‘Yung mga nakakasuhan lang ba ng Libel ang kaya ninyong arestohin — with full force pa?!

Ano na ba talaga ang nangyayari sa ilalim ng administrasyon ninyo Gen. Rolando Nana?!

Baka hindi ninyo namamalayan, Gen. Nana na ang mga pulis ninyo ay bihasang-bihasa sa pangha-harass ng mga naaasunto ng libel?!

Aba, mukhang kailangan na kayong kastigohin diyan!

Buhay pa pala ang “MILLION-DIVISION” sa Comelec?!

AKALA natin ay kasama nang nawala ni Atty. Sixtong ‘este’ Sixto Brillantes ‘yang ‘milyon-milyong dibisyon’ sa Commission on Elections (Comelec).

Hindi pa pala.

Kamakailan, isang abogado ng party-list applicant ang nagsumbong sa inyong lingkod kaugnay ng sinapit ng kanilang application sa Comelec.

Sa madaling sabi, hanggang sa en banc ay disqualified sila kahit lehitimo at nag-comply sila  sa lahat ng requirement alinsunod sa rekesitos ng Comelec.

Heto na, nang una silang ma-disqualified sa division na natoka sa kanila, mayroong isang lumapit at inaalok sila na magbigay umano ng P2.5-milyon para ma-accredit na sa Comelec ang kanilang party-list.

Natural hindi sila nagbigay sa pag-aakalang aprubado ang kanilang application ‘yun pala’y isang malaking akala lang pala.

Denied ang application hanggang sa Comelec en banc!

Ano ba ‘yan?!

Nabuhay ang multo ng 3-M Division sa Comelec?!

Ang ipinagkaiba lang ay medyo bumaba na ngayon…2.5M na lang?!

What the fact!?

Chairman Andres Bautista Sir, baka naman napapalusutan at nabubukulan ka ng ilang tao mo riyan sa Comelec, talas-talasan mo naman ang pagmamasid sa iyong paligid.

Baka naman namamantot na ‘yang opisina mo sa dami ng mga kung ano-anong hullabaloo diyan ‘e hindi mo pa namamalayan.

Talas-talasan mo ang pakiramdam mo, Chairman Bautista!

Dalawang notoryus fixer pumoporma na naman sa BI!

MAY nakapagsabi sa atin na punong-puno raw lagi ng bisita ang office ngayon ng mga nakaupong commissioners sa Bureau of Immigration (BI).

Hindi raw gaya noon na iniiwasan na makita sila na papasok o maliligaw particularly sa office ni BI Assoc. Comm. Gilbert Repizo sa takot nilang ma-identify noong nakaupo pa si Fred ‘pabebe boy’ Mison na commissioner.

Well, dito ngayon makikita na marami talagang doble-kara at thick face sa BI.

I don’t have anything against these people dahil siguro talagang ganoon ang nature ng nakararami riyan.

Kalakaran na nga, sabi nga!

Kaya lang hindi kaya sila pinaninindigan ng balahibo sa ginagawa nila o sadyang kapal-muks lang ang peg nila?

Gaya na lang ng mag-amigang notoryus fixer sa BI na sina BETTY ‘RPL’ CHUWAWA at ANNA SEY na bigla na lang nakikitang aaligid-aligid, paikot-ikot at pasilip-silip sa labas ng office ni Asscomm. Repizo.

Naturalmente na naghahanap na naman ng connect dahil alam nang lahat kung paano mag-operate sa BI main office ang dalawang bruha.

I’m sure babaha na naman ang complimentary tickets ng Vikings at Yellow Cab galing diyan sa mag-amiga na ‘yan sa BI main office!

Yuckks!!!

Vikings kapalit ng katakot-takot na transactions ng dalawang bruha?!

BI Commissioner Geron, minsan na pong na-BAN ang dalawang bruhang big time fixer na ‘yan sa BI main office noong panahon ni Comm. Ric David.

P’wede bang ipag-utos n’yo na i-ban at higpitan ang dalawang notoryus na fixer na may tongpats na BI official diyan sa main office?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *